Advertisers

Advertisers

IWAS INIT, INIT PA RIN

0 56

Advertisers

ILANG beses nang kanselado ang mga klase ng mga estudyante dahil sa banta sa kalusugan na posibleng idulot ng sobrang init ng panahon.

Maging ang ilang mga tanggapan ng gobyerno ay nagbago ng kanilang sistema sa pagpasok nang dahil pa rin sa init ng panahon dahil sa El Niño na sinasabing tatagal hanggang buwan pa ng Agosto.

Ginawa ito ng ating gobyerno lalo na ng Department of Education (DepEd) bilang tugon sa sandamakmak na reklamo ng init sa loob ng silid-aralan. Sa hakbang na ito ay natitiyak na iwas sa nakamamatay na init ang mga estudyante.



Kaya lang! Anak naman… balewala ang ginawang hakbang na ito dahil ang pananatili sa bahay lalo na ng mga estudyante para makaiwas sa init ay init pa rin ng katawan ang inabot nang dahil sa ‘brownout’.

Ilan nang mga kompanya ng kuryente sa buong bansa ang nagsabing kulang na ang kanilang suplay. Mayroon ‘yellow alert’, ‘red alert’ at kung ano pang uri ng alerto na sila lang ang may alam ng kahulugan.



Alam [kaya] ng Department of Energy (DoE) na magkukulang ang suplay ng kuryente sa buong bansa kaya kailangan magpatupad ng tinatawag ng marami na ‘rotating brownout’.

May naging pahayag ang DepEd na ‘online class’ muna habang nagbabaga sa init ang Haring Araw pero wala naman kuryente tssk tsskk tsk tapos wala rin bentilador kaya init din ang inabot ng mga estudyante sa loob ng kanilang bahay.



Sa mga manggagawa na pagod lalo sa trabaho sa panahon na ito dahil sa sobrang init ng panahon at inaasahan sana ng mga ito na makapagpahinga ng maayos sa bahay pero hindi magawa dahil walang kuryente – sobrang init habang tulog.

Pero mayroon pang mas nakababahala na posibleng sumunod na eksena. Huwag naman sana na magkulang o mawalan na rin ng suplay ng tubig sa buong bansa lalo na sa Kamaynilaan.

Kapag nangyari ito na wala o kulang ang suplay ng kuryente at tubig habang nariyan si El Niño ay tiyak na bukod sa pagod na ang ating mga kababayan dulot ng init ng panahon ay bantot at uhaw pa ang aabutin ng mga Pinoy. Iyan ang Pinas!

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com