Advertisers

Advertisers

E-VEHICLE BAN SA METRO SINUSPINDE NI PBBM

0 71

Advertisers

NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang buwan ang ibinibigay nitong palugit sa mga e-bike, e-trike at iba pang kaparehong behikulo para makasunod sa bagong patakaran na nagbabawal sa kanila na bumiyahe sa ilang piling kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay PBBM, sa ganitong paraan ay masisiguro ang kanilang kapakanan at maging ang kaayusan sa mga lansangan sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ng pangulo ang binigyan ng palugit ang mga e-vehicles upang maipaliwanag sa kanila nang maayos ang tungkol sa bagong rules na ito na ipinatutupad ng pamahalaan.



Dahil dito, ipinunto ng presidente na bawal munang isyuhan ng tiket, patawan ng multa at i-impound ang mga makabagong sasakyan sa loob ng isang buwan.

Mahalaga aniya na malaman o maipaalam sa mga e-vehicle operators ang bagong patakaran at kung paano sila mag-adjust, lalo pa’t mabigat din aniya ang P2,500 na multang ipapataw sa kanila sakaling mahuli ng mga awtoridad na bumibiyahe sa mga national roads. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">