Advertisers

Advertisers

MAHIGIT 40 LIBONG ECSTASY TABLETS, NASABAT SA CMEC WAREHOUSE SA PORT OF NAIA

0 60

Advertisers

ARESTADO ngayon ang apat katao na claimant ng isang parcel na naglalaman ng mahigit 40 libong piraso na ecstasy tablets matapos na tangkain nilang kunin sa isang bodega ng Central Mail Exchange Center ( CMEC) Bureau of Customs-Port of NAIA, sa Domestic road, Pasay City.

Nabatid sa ulat ng NAIA PDEA- IADITG, aabot umano sa P68,350,000 million halaga ng ecstasy tablet ang nasabat na idineklarang “dog and kitten food” na dumating noong March 19,2024 kung saan nakalagay sa 8 malalaking pakete na nagmula sa The Netherland.

Nabatid na galing pa sa Barangay Bagong Sikat, Cabanatuan City ang lalaking naarestong consignee,kasama ang isang kagawad ng Tondo,Manila at dalawang indibidwal.



Ang parsela mula sa 50C SW Rotterdam, Netherlands na may tracking No. CC104 308 435 NL na may kabuuang timbang na 15.3 kilo ay sumailalim sa x-ray scanning noong Marso 20, 2024, isang araw matapos itong dumating kung saan nakita ang mga kahina-hinalang larawan ng ilegal na droga.

Agad na minarkahan ng customs examiners ang anim na parsela 6 at sumailalim sa 100 % physical examination.



Sinabi ni BOC-Port of NAIA District Collector Yasmin Mapa na ang mga drug operatives mula sa BOC, Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency ay naghintay ng 49 araw matapos lumitaw ang parcel claimant at i-claim ang parsela noong Lunes (Mayo 6, 2024).

Sinuri ng customs examiner at mga operatiba ng droga ang nilalaman ng parsela sa harapan ng naghahabol na nagbunga ng mga tabletang ecstasy.



Nasa kustodiya na ng PDEA ang claimant para sa tamang pagsasampa ng kaso na paglabag sa Section 4, Art. ll ng RA 9165. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)