Advertisers
NAGSIGAWAN sa tuwa ang mga kabataang nagkilos protesta matapos palayain ang anim na indibidwal na inaresto noong Labor Day, Mayo Uno.
Ala-6:20 ng gabi nang lumabas sa headquarter ng Manila Police District ang tinaguriang “Embassy-6” matapos maghain ng piyansa.
Aabot sa P252,000 ang binayaran para sa pansamantalang paglaya ng mga inaresto.
Paulit-ulit namang ipinapahayag ng mga nagpoprotesta na walang mali sa kanilang ginawa lalo na’t inilalabas lang nila ang mga hinaing gaya ng umento sa sahod, pagtutol sa pagpapagamit ng Pilipinas sa Estados Unidos sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea.
Sa panig ng MPD, una na nilang sinabi na inaresto ang anim dahil sa pagpupumilit pumasok sa US Embassy gayong wala silang permit.
Nahaharap sa mga reklamong illegal assembly, direct assault, disobedience to persons in authority at malicious mischief ang anim na inaresto.(Jocelyn Domenden)