Advertisers
TINATAYANG aabot sa P8-milyong halaga ng iligal na droga ang nakuha sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Southern Police District, at Manila Police District, sa Makati, Maynila at Quezon City, nitong Huwebes at Biyernes.
Sinabi ni NCRPO Chief, P/Major general Jose Melencio Nartatez Jr., isang high value individual (HVI) na kinilalang Francis Anton Zamora alyas “James”, 39 anyos, Real Estate Developer, at residente ng Corinthian Gardens, Barangay Ugong Norte, Quezon City, ang nahulihan ng 480 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,264,000.00 at marijuana leaves o “kush” na 3 gramo o nagkahalaga ng P5,400.00.
Sa ulat alas 10:20 ng Mayo 16 ng taong kasalukuyan nang mahuli si Zamora ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit- NCRPO, District Drug Enforcement Unit- Southern Police District at Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station sa Matilde Street corner General Luna Street, Barangay Poblacion, Makati City.
Noong May 17, bandang alas 5:40 ng madaling araw ay nahuli naman ng Payatas Police Station sa buy-bust operation sa San Juan Evangelista St, Barangay Payatas, Quezon City sina alyas “Jun”, 22, senior high school graduate at alyas “Jasper”, 22 anyos, elementary graduate.
Nakumpiska ang nasa 120 gramo ng marijuana na may P14,400.00 ang halaga,
Samantala, isang 30 anyos na ginang na si alyas “Farida” ang nakuhanan ng 700 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,760,000.00.
Noong Biyernes ng Mayo 17 ng ala 1:30 ng hapon nang mahuli ng MPD-Meisic Police Station si Farida sa panulukan ng Soler at Rizal Avenue, sa Maynila. (JOJO SADIWA)