Advertisers

Advertisers

‘Pekeng rebolusyonaryo’

0 30

Advertisers

TINAWAG ng netizens na pekeng rebolusyonaryo si Senador Robin Padilla nang ianunyo niyang magsagawa ng imbestigasyon sa ‘Balikan Exercises’ sa pagitan ng Pilipinas, Amerika at iba pang bansa.

Say ni Ed Bangate Jr: “Nakakahiya magng pilipino pag nababanggit na senador natin ito.”

Sabi naman ni Jazon Villanueva: “Confidentiality po sen. Robinhood Padilla, pero tiyak namang may abiso sa pangulo yan at alam ng AFP at PNP high ranking officials. Hindi po yan kagaya ng mamasapano na maraming nagmarites kaya natimbrehan ang mga rebelde. Set aside po siguro natin yung showbiz sa military operation. Suot nyo nalang po siguro yung military uniform nyop at makisali sa kaganapan sa balikan. sayang kung sa kapwa pinoy nyo lang pinapairal yang tapang nyo at magpalapad ng pangalan sa media. Share ka ng knowledge mo dun about military ops kung meron man…kesa pag-aksayahan nyo ng panahon yung mga “I invoke my right to remain silent you honor” na mga sagot jan sa senado.”



Reak naman ni Jhoren Cardenas: “Sa daming tap jan sa senado, wala manlang sumapak.”

Ngitngit ni Joy Javellana: “Number 1 senador sir…baka naman po may mas mahalaga pang agenda na puede nyo pagsayangan ng oras at perang buwis namin na mapag-usapan sa senado…sayang naman po kasi yung buwis namin sa mga walang katuturan na agenda…magbasa nalang po kayo ng news o watch sa youtube tungkol dyan sa balikatan…nakailang balikatan na po kasi tayo.”



Napakarami pang brutal na mga komento laban sa pahayag na ito ni Sen. Padilla. Kukulangin ang espasyo natin kung ilalabas ko lahat.

Dapat kasi ay nagtatanong muna si Robinhood sa mga abogadong nakapaligid sa kanya bago magbitiw ng mga salita about Balikatan Exercises. Nagmumukha siyang tanga rito. Ewan!!!



Kung mayroon mang dapat imbestigahan sa Senado si Sen. Padilla, ‘yun ay ang pambu-bully ng China sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea, sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Hindi yung tila nag-aabogado pa siya ng China. Mismo!

***

Nananawagan ang Comelec sa higit 4 million Filipino na nawala sa voters list na mag-reactivate o magparehistro uli para makaboto sa darating na midterm election sa mayo 2025.

Natanggal ang higit 4 million voters nang maglinis ng listahan ang Comelec, kungsaan inalis ang mga kuwestiyunableng registration.

Ang voters registration ay hanggang Oktubre pa. Tara nang magparehistro…

***

Inanunsyo ng Comelec ang petsa ng filing ng Certificate of Candidacy para sa 2025 midterm elections. Gaganapin ito mula Oktubre 1 hanggang 8 ngayong taon, limang buwan mula ngayon.

Kaya naman nagpaparamdam na ang mga naghahangad maging politiko. Maging ang mga reelectionist ay panay na ang ikot.

Nagsimula naring bumuo ng lineup ang mga partido sa national at local.

Tatakbo ka rin ba? Aba’y magpaguapo ka na!!! Hehehe…