Advertisers
TATLONG construction workers ang natabunan ng gumuhong lupa habang naghuhukay mula sa ginagawa nilang sports complex na ikinasawi ng isa sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Renato Roda Radorez, habang nilalapatan ng lunas ang mga kasamahan na sina Jaime Sungcados at Judino Rellesiva, pawang construction workers sa pinapagawang Taytay Sports Complex.
Sa ulat, 11:00 ng umaga nang maganap ang insidente.
Nabatid na habang abala ang tatlong obrero sa paghuhukay ng lupa sa itinatayong sports complex nang gumuho ang kanilang hinuhukay, sanhi upang matabunan sila.
Sa isinagawang rescue operation na umabot ng ilang oras, naiahon ang mga biktima at agad itinakbo sa Taytay Hospital. subali’t dead-on-arrival si Radorez, habang inoobserbahan ang kondisyon ng dalawang kasamahan.