Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P108 million shabu ang nasamsam at nadakip ang isang drug personality sa isinagawang buy bust operstion sa Zamboanga City noong Biyernes.
Kinilala ang suspek sa alias “Joey” ng Zamboanga City, at kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Zamboanga City Field Unit.
Ayon kay Brigadier General Bowenn Joey Masauding, PRO9 Regional Director, 6:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Criminal Investigation and Detection Group, Zamboanga City Forensic Unit (CIDG ZCFU), Philippine Drug Enforcement Agency IX – Regional Special Enforcement Team (PDEA IX – RSET) Zamboanga City Police Office, Philippine National Police – Drug Enforcement Group Special Operations Unit 9 (PNPDEG SOU9), 904th Regional Mobile Force Battalion 9 (RMFB9), sa Governor Camins Avenue, Barangay Canelar, Zamboanga City.
Narekober ng mga otoridad sa suspek ang 16 vacuum-sealed plastic pack ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800,000.00; isang blue backpack, P16 million buy bust money; mobile phone; at silver Toyota Hi-Ace Commuter (AAR 9047).
Dinala ang mga nasamsam na shabu sa PDEA Region Office 9 para sa forensic examination. Habang nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA9165.(Mark Obleada)