Advertisers
Ipina-contempt nina Committee Chairman Senator Ronald Dela Rosa at Senador Jinggoy Estrada si dating Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) agent Jonathan Morales, at Eric Pikoy Santiago dahil sa patuloy na pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Ronald Bato Dela Rosa.
Sa pagdinig ng senado, paulit-ulit na itinanggi ni Morales ang mga dokumento na nakuha ni Estrada mula sa PDEA ukol sa mga kasong kinaharap nito na naging sanhi ng pakakadismiss nito.
Mas lalong ikinairita ng mga senador na humingi pa ng original na kopya si Morales kay Estrada sa mga dokumento na hawak nito sa kabila na certified true copy ang hawak ng senador mula sa PDEA.
Dito na tinanong ng mga senador ang PDEA sa naturang dokumento na pinatunayan ang authenticity ng hawak ni Estrada partikular na ang isa pang dokumento ng nilagdaaan ni Morales ng pumasok siya sa PDEA na tila pinasinungalingan niya na dismiss siya sa PNP noon.
Sa huli tila napuno na si Estrada sa patuloy na umanoy pagsisinungaling ni Morales kayat hiniling sa komite na ipa contempt siya ng senado na sinang ayunan naman ni Dela Rosa ang Chairman ng komite.
Hindi pa tinapos ni Dela Rosa ang pagdinig kahit dumalo na si dating Executive Secretary Paquito Ochoa at itinanggi ang mga alegasyon ni Morales dahil sa aantayin na lamang ng Bato ang umayos ang kalusugan ni James Kumar para makadalo sa susunod na pagdinig at doon na niya tatapusin ang imbestigasyon sa PDEA leaks.
Itinakbo kaninang umaga si Kumar sa Makati Medical Center matapos na ma stroke at lumabas din sa pagsusuri na tinamaan din siya ng acute bronchitis. (CESAR MORALES)



