Advertisers

Advertisers

Tulak nakuhanan ng higit P680K droga

0 14

Advertisers

Nalambat ng mga tauhan ng Cadena de Amor Police Sub- Station 11 ng Caloocan PNP ang isang drug suspect sa lungsod sa isinasagawang Foot Patrol at Anti- Criminality kung saan talamak ang bentahan ng iligal na droga sa lugar.

Kinilala ni Caloocan Police Chief PCol. Ruben Lacuesta ang suspek na si alias ” Jojo”, 54, ng Lot 1, B- 56, Phase 3, Package 3, Barangay 176 Bagong Silang Caloocan City.

Sa ulat, 1:35 ng madaling araw ng May 20, 2024, nasakote ang suspek sa Phase 3- B, Barangay 175 , Camarin Caloocan City nang maispatan ang isang lalaki habang kausap ang suspek at may inabot na transparent plastic sachet.



Nang lapitan ng pulisya, tumakbo ang mga ito sa kabila ng pagtawag sa kanilang atensyon ng mga humahabol na pulis. Inabutan ang suspek at nakatakas ang isa.

Nakumpiska sa suspek ang 100.6 grams ng shabu na may Standard Drug Price na P684,080.00.



Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art.151 of RPC at paglabag sa Section 11, Possession of Dangerous Drugs , Article ll of R.A.9165.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">