MOA PARA SA PRESERBASYON NG CULTURAL AT HISTORICAL LAND MARK SA NBP NILAGDAAN NG BUCOR AT MUNTINLUPA LGUs
Advertisers
Nilagdaan na ang kasunduan para preserbasyon sa Cultural and historical landmark sa paligid ng New Bilibid Prison ( NBP) at lupang pag aari ng Bureau of Correction sa Muntinlupa City.
Ang nasabing MOA ay nilagdaan nina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biason at Bucor Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr.
Tiniyak ng dalawang opisyal na hindi magagalaw sa gagawing modernization ng BuCor ang mga historical landmark ng NBP sa kabila ng mga programa sa pagpapaunlad sa lugar
Aniya ng dalawang opisyal, makikinabang dito ang susunod na henerasyon upang malaman nila ang kasaysayan ng Bureau of Correction sa mga nakalipas na dekada.
Nagpapasalamat din si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biason sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang kahilingan na pangalagaan ang at proteksyonan ang mga historical landmark.
Sa kanyang pahayag sinabi ni Biazon na mahalaga ang kasabihan na dapat marunong lumingon sa pinanggalingan at pahalagahan ang kapaligiran o ang ating cultural at historical landmark.
Naniniwala ang alkalde na malaking pagkakataon ito para mapalakas ang tourism spot sa lugar sa pamamagitan ng pagpapahala sa mga cultural at historical landmark sa lugar tulad ng NPB mismo at ang Japanese soldiers cemetery na kasaysayan noon panahon ng World War II. (CESAR MORALES)

