Advertisers

Advertisers

PARAÑAQUE LGU; WALA NG BASURA NA NAKABARA SA BACLARAN CHANNEL

0 6

Advertisers

Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque nitong Huwebes Agosto 13, na ang lahat ng basura sa Baclaran-Redemtorist water channel – na itinapon ng mga Habagat mula sa mga kalapit na lungsod at lalawigan — ay nalinis na sa isang malawakang 4-araw na clean-up operation.

Ginawa ni Mayor Edwin L. Olivarez ang anunsyo bilang pagbati at pasasalamat sa mga tauhan ng pamahalaang lungsod na nagsagawa ng malawakang clean-up operation mula Agosto 10 hanggang 14 sa pakikipagtulungan sa MMDA at DPWH.

Pinupuri at pinasasalamatan natin lahat ng kawani na nagtulung-tulong upang maalis ang nakabarang basura. Kayo ay tunay na mga bayani ng Paranaque,” sabi ng alklade.

Nitong Huwebes ng hapon, may kabuuang 203 truckloads o 748.87 metric tons (2,246.6 cubic meters) ng basura ang nahakot ng mga tauhan ng gobyerno mula sa Redemptorist water channel sa Brgy. Baclaran, Paranaque.

Ang mga basura mula sa mga kalapit na lalawigan at lungsod ay naipon sa daluyan ng tubig matapos itulak ng hightide ang mga basura mula sa Manila Bay papunta sa channel noong kasagsagan ng Habagat. Ito ay pinalala pa ng mga basurang nagmumula sa mga upstream na lugar na umaagos sa mga ilog at sapa ng Paranaque.

“Ngayon na malinis na ang daluyan ng tubig, naibalik na ang kapasidad nito na dalhin at padaluyin ang tubig-ulan, kaya mababawasan na din ang panganib ng pagbaha sa mga kalapit na komunidad tuwing malakas ang ulan at hightide,” ani nya.

Hiniling ni Olivarez sa publiko na sundin ang tamang pamamaraan sa pagtatapon ng basura upang hindi na muling maging problema ang mga baradong daluyan ng tubig. “Tayo po’y magtulungan upang makamit ang layunin na tuluyang mawala ang problema sa pagbaha sa Metro Manila kahit pa masama ang panahon, lalo na’t dahil ang tubig-baha ay may dulot na panganib at maaaring pagmulan ng sakit,” sabi niya

Umapela din siya sa mga kalapit na lungsod at lalawigan na tiyakin ang tamang pamamaraan ng pagtatapon ng basura sa kanilang mga lugar lalo na sa paligid ng Manila Bay.

Kinilala ng mga awtoridad, kabilang mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na karamihan sa mga basura ay itinapon lamang sa pampang sa Parañaque at ito ay nagmula sa mga karatig lugar.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na “Nakita mo ang mga larawan na nagpapakita na ang kanal ay ganap na barado ng mga basura na hindi man lang nagmula sa Parañaque. Nanggaling ito sa ibang mga lugar.”

Paliwanag ni Dizon, dinadala ang mga basura sa mga ilog at sapa ng Paranaque mula sa upstream areas sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

“Yong Parañaque River, ‘yong tubig ng Las Piñas, Muntinlupa, kasama ang kanilang basura diyan din dumadaan. Kapag nag-high tide po ‘yan, hindi makalabas ‘yong tubig doon sa mga drainage … Kapag nawala si high tide, ang bilis naman lumalabas ng tubig,” sabi ni Olivarez.

Ayon kay Olivarez, tinatalakay ng Metro Manila Council ang mga planong pagtatayo ng floodgate sa bukana ng Parañaque River na maaaring isara tuwing high tide ang Manila Bay. Ito aniya ay maaaring isa sa mga pangmatagalang solusyon sa pagbabara ng Baclaran channel. (RONALD BULA)