Advertisers

Advertisers

14-anyos sexslave ng ama simula 4-anyos

0 3

Advertisers

INARESTO ng mga ope-ratiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 54-anyos na lalaki na umano’y nanggahasa sa sarili niyang anak na noo’y apat na taon gulang pa lamang.
Naaresto ang ama na itinago sa pangalang “Arnel”, isang helper, sa Sta. Cruz, Maynila hapon ng Martes, Agosto 11, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 124 ng Caloocan City.
Batay sa reklamo, matagal nang naganap ang pang-aabuso at ilang beses na itong inulit ng ama habang menor de edad ang biktima.
Ayon sa kasalukuyang guardian ng biktima, na ngayo’y 14 taon gulang na, nitong taon lamang nila nalaman ang sinasabing pangyayari matapos magsumbong ang nakatatandang kapatid ng biktima.
Nauna rin nagsabi ang biktima sa kaniyang lola tungkol sa ginawa sa kaniya ng ama, ngunit pinayuhan umano si-yang huwag nang ipagsabi sa ibang tao.
Samantala, sinabi ng ka-patid ng biktima na mas nagiging mapang-abuso ang ama kapag nalalasing at pumapasok sa kuwarto ng bata.
Matapos matukoy ang ki-naroroonan ng ama, nagsagawa ng operasyon ang Warrant-Intel personnel ng MPD Station 3 at inaresto ito.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng manyakis na magulang.