Advertisers
ANG testimonya ng Commission on Audit (CoA) supervising auditor na si Xylene Mae del Campo ay damaging sa defense team nang himayin ng Senate impeachment court ang mga numero, mga resibo, accountable officers, at maging ang Joint Circular No. 2015-01.
Simulan natin sa mga numero na mahirap ipaliwanag: P448.287 million mula sa P500 million Office of the Vice President (OVP) confidential funds na DISALLOWED ng CoA. Ito’y halos 90 percent ng halaga ay questionable.
Ang unang Notice of Disallowance ay komokober ng P73.287 million mula sa P125 million confi fund na inilabas ng Diyembre 2022. Sa halagang ito, P69.787 million ay ginamit sa reward payments nang walang sapat na mga dokumento para paniwalaang naging matagumpay ang information gathering o surveillance activities.
Isa pang P3.5 million na ginamit sa furniture at office equipments. Ito ay maliwanag na hindi classify bilang confidential operations.
Kaya pinandindigan ng CoA ang P73.287 million disallowance.
Tapos itong P375 million na ni-release taon 2023.
Minarkahan ng CoA ang P62 million sa reward payments na kulang ng supporting documents, at ang P199 million na iniulat ng OVP na ginamit sa supplies, medical assistance at food aid na hindi malinaw na napatunayan base sa acknowledgement receipts na isinumite.
Lahat ng isiniwalat ng CoA sa impeachment court ay base sa kanilang findings sa mga dokumentong isinumite ng OVP.
Oo! Hindi gawa-gawa ng CoA ang kanilang mga isiniwalat sa Senate Impeachment Court, at lalong hindi gawa ng prosecution team.
Kaya maling mali ang paratang ni Senator-Judge Robin Padilla na gawa-gawa ng prosecution team ang mga katawa-tawang pangalan ng mga binigyan o benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara.
Ang mga katawa-tawang pangalan tulad ng “Malou Wang” at “Gina Hasa” ay binasa lamang ng prosecutor mula sa dokumentong ibinigay ng CoA, na isinumite ng OVP sa state auditors.
Mahaba pa ang tatakbuhin ng Impeachment trial na ito laban sa Bise Presidente. Marami pa tayong matutuklasang kabalbalan ng OVP sa paglustay sa kanyang confi funds.
Ang confi funds ay taxpayers money. Kaya may pakialam tayong lahat na mamamayang Pinoy na malaman kung sa tama ba ito ginamit ng mga opisyal na pinagkatiwalian.
Subaybayan!
***
Matindi itong mga isiniwalat ni Senator Ping Lacson laban sa magkapatid na Senator Alan at Pia VCayetano hinggil sa mga illegal at ghost projects sa Taguig City.
Ang mga dokumento ay isinampa na ni Lacson sa Office of ther Ombudsman. Gumugulong na ang imbestigasyon.
Hindi na nga nakakadalo sa impeachment trial si Alan. Mukhang alalang-alala ito na mauuna pa siyang makukulong kesa sa pagpatalsik kay Sara eh. Hehehe…