Advertisers
Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo at pagkumpleto ng Sangley Point International Airport (SPIA) sa Cavite.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 44, inatasan ng Pangulo ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang koordinasyon upang mapabilis ang implementasyon ng proyekto.
Kabilang din sa inatasang makipagtulungan ang Provincial Government of Cavite at mga pribadong sektor na sangkot sa pagpapaunlad ng paliparan.
Ayon sa Pangulo, mahalagang alisin ang mga hindi kinakailangang proseso para maantala ito at gawing mas mabilis ang mga hakbang upang maisulong ang pagkumpleto ng SPIA.
Bilang bahagi ng direktiba, bubuo ng Joint Technical Working Group (JTWG) na pamumunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine Reclamation Authority (PRA).
Kasama sa JTWG ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Provincial Government of Cavite.
Pangunahing tungkulin ng grupo na tukuyin at tugunan ang mga isyung nagdudulot ng pagkaantala sa proyekto at tiyaking ang mga reclamation activities ay naaayon sa environmental, technical at iba pang kinakailangang pamantayan. (Gilbert Perdez)