Advertisers
MAY napanood akong vlog sa youtube.com na pinost din ng batikang kolumnistang si Ramon Tulfo hinggil sa napakalaking halagang nakuha ni Davao City Congressman Paolo “Polong” Duterte sa last three years ng termino ng kanyang ama bilang pangulo ng bansa.
Noong 2020 ay nakatanggap daw si Polong ng P13,745,650,000; 2021 ay nakakuha ito ng P25,034,643,000; at 2022 bago bumaba ang kanyang ama ay nabigyan ang batang Duterte ng P13,048,889. All in all P51.829 billion!
Ang gabundok na halaga, na kayang itabon sa ‘Glory Mountain’ ng puganteng si Apollo Quiboloy, ay napunta raw lahat sa proyekto sa Davao City. Wow!!!
Kinumpirma naman ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang tanong: Anong proyekto ang mga ito at saan ito inilagay?
Sabi nga ni dating dating Antonio Trillanes, ang numero unong kritiko ng mga Duterte, hindi dapat palagpasin ng mamamayang Pinoy ang isyung ito. Dapat paimbestigahan ito sa Commission on Audit (CoA). Mismo!
Napaka-unfair naman kasi na ang isang lungsod ay mabigyan ng P51.8 billion in three years habang ang ibang lungsod o probinsiya ay milyones lamang ang halaga ng naging infrastructures. Asan ang hustisya, Mr. President?
Noong panahon kasi ni Rody “Digong” Duterte ay bawal imbestigahan ang mga katiwaliang nagawa ng kanyang kaanak at mga kaalyado.
Oo! Sa panahon ni Digong, lahat ng mali ay tama basta kadikit mo siya, safe ka! Remember multi-billion Pharmally scam?, PhilHealth scam?, etc… na kinasasangkutan ng mga alipores niya?
Pati nga mga kumpare ni Digong na drug lords ay nilinis niya sa mga akusasyong droga eh. Nasaan na ba ang kumpare Peter Lim at bespren niyang si Michael Yang, pati si Charlie Tan na dabarkads ng kanyang mga anak na sina Polong at Baste? Dehins na matagpuan. You know…
Kaya tama itong vlog na napanood at si Trillanes sa paghikayat sa gobyernong Marcos na imbestigahan kung saan nalustay ang P51.8 billion pork ni Cong Polong. Aba’y taxpayers money po ito. Kaya may karapatan ang bawat isa sa atin na mga Pinoy na malaman kung paano nalustay ang gabundok na halagang ito ng proyekto kuno.
Kumusta na nga pala ang P125 million intel funds na nilustay ni Vice President Sara Duterte sa loob ng 11 days pagkaupo niya noong 2022?
Ang isyung ito ay inilapit na sa Korte Suprema. Pero dehins pa naglalabas ng resolution ang kataas-taasahang hukuman. Why o why???
***
May bagong liderato ang Senado. Napatalsik ng tropa ni Chiz Escudero si Migz Zubiri nitong Lunes.
Maiyak-iyak na bumaba sa puwesto bilang Senate President si Zubiri na higit 2 years rin naman naging malamya sa kanyang kapangyarihan.
Sa bagong liderato ni Chiz, bantayan natin kung ano ang magiging performance niya. Kung kasimbilis rin ba niya magsalita ang kanyang mga pagdedesisyon ng tama?
Subaybayan!!!