Advertisers

Advertisers

Chinese nahulihan ng pekeng pasaporte

0 16

Advertisers

Isang Chinese national na nakuhanan ng pekeng dokumento nang tangkaing pumasok sa Pilipinas ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

Batay sa rekord ng Immigration Protection and Border Enforcement (I-PROBES) na pinamumunuan ni Bienvenido Castillo III dumating sa bansa ang Chinese national na si Wang Weiqiang 32-anyos sakay ng flight ng Philippine Airlines at sinubukang lumusot sa immigration counter gamit ang kanyang pekeng Mauritius passport at identification card.

Anang BI, ang nasabing dayuhan ay bumiyahe mula Bangkok at dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Mayo 17, 2024.



Ayon sa record ng BI, si Wang ay unang bumiyahe sa bansa gamit ang Chinese passport. Inamin nito na nakuha niya ang pekeng dokumento pagkatapos umanong mamuhunan ng 200,000.00 USD, ngunit inamin nito na hindi siya kailanman naglakbay sa Mauritius para sa pagproseso ng papeles.

Sa halip ay natanggap nito ang pasaporte at identity card habang ito ay nasa Thailand.



Sa beripikasyon ng BI forensic documents laboratory, natuklasan na ang ipinakita nitong dokumento ay pawang mga peke.

“This process is a reminder of the ongoing challenges we face in combating illegal immigration and human trafficking. Our immigration officers remain vigilant to ensure the safety and security of our borders,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.



Iniutos ni BI chief ang agarang pagpapaalis kay Wang sa Pilipinas at inilagay sa blacklist order. (JERRY S. TAN)