Advertisers
Pinangunahan ni Senator Joel Villanueva ang graduation ceremony ng 125 Senate Janitorial Staff na pumasa at nakakuha ng Housekeeping NC II certification matapos ang kanilang Free Skills Training sa Senado na sinimulan noong Pebrero. Ginanap ang seremonya sa Multipurpose Hall ng Senado ngayong Martes, May 21, 2024.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Villanueva na kilala rin bilang Tesdaman ang kanyang pasasalamat at paghanga sa mga janitors, utility workers at elevator operators ng Senado na nagsumikap tapusin ang kurso sa kabila ng kanilang trabaho sa Senado. Katuwang ni Villanueva sa proyektong ito ang Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) NCR at SLDM Colleges of Quezon City. (CESAR MORALES)

