Advertisers

Advertisers

Pagtaas ng bilang ng mga dayuhang estudyante, dahil sa tagumpay ng gov. campaign – BI

0 12

Advertisers

IPINAHAYAG ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhang estudyante sa bansa ay resulta ng matagumpay na kampanya ng pamahalaan.

Sa nakaraang hearing ng Committee on Justice sa House of Representatives nitong May 22, ibinahagi ng hepe ng BI na may mga dayuhang estudyante na binigyan ng visas matapos na i-endorsed ng lehitimong Higher Education Institution (HEI), na accredited at kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

Iginiit ni Tansingco na walang ‘anomalya’ sa pagbibigay ng student visas.



“Everything is above board, these students have been issued visas after being vetted and endorsed by legitimate schools,” pahayag nito.

“The rise in foreign students in the country is a product of the Philippines’ aggressive marketing to promote the country as an educational hub in Asia, and not because of any ‘anomaly’,” saad pa ni Tansingco.

Ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga nakaraang taon ay ipinu-promote na ng ang bansa bilang regional at global education hub.

Sa nasabi pa ring hearing, ibinahagi ng CHED na sa ilalim ng Executive Order No. 285,ang Interagency Committee on Foreign Students (IACFS) ay may mandato na i-promote ang Pilipinas bilang sentro ng edukasyon sa Asia Pacific Region sa panghihikayat sa mga dayuhang estudyante na mag-aral sa bansa.

Ang BI ay bahagi ng inter-agency, sa pangunguna ng CHED, Kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Education (DepEd).



Ipinahayag nito na ang mga foreign nationals na nabigyan ng student visas ay puwedeng i-check ng NICA at NBI bilang bahagi ng kanilang papel sa IACFS para sa kanilang mga ginagawa “which appear to be inimical to the security of the State”.

“Actions of foreign students is, however, worth looking into by government intelligence agencies given that it is well within their mandate and is necessary in ensuring national security,” sabi pa ni Tansingco.

Lahat ng HEIs na tumanggap ng foreign nationals bilang estudyante ay kailangang magsumite ng kanilang regular reports sa DFA, na magsasagawa ng unang evaluation, sa BI na magmomonitor ng visa compliance, ang CHED na magsisiguro ng kanilang compliance sa school-related policies, at sa NICA at NBI na magsasagawa ng investigations sa suspicious activities.

“The rise in the number of foreign nationals studying in our local schools is not a result of anomalies or abuse in governance at the BI,” ayon pa kay Tansingco.

“Their numbers rise because the government is succeeding in getting foreigners to trust our educational system,” dagdag pa nito.

Noong 2023, ang BI ay nag-issue ng kabuuang 24,191 visas sa foreign nationals sa bansa. (JERRY S. TAN)