Advertisers

Advertisers

Alice na Asi!

0 9

Advertisers

Ang kontrobersyal na isyu ngayon hinggil kay Alice Guo, ang mayor ng Bambam, Tarlac ay maihahambing sa kwento ng cager na si Asi Taulava noon.

Kapwa silang inakusahan na mga pekeng Pinoy.

Si Asi Fil- Tongan daw at si Alice nanam Fil- Chinese raw.



Parehas silang inimbistagahan tungkol sa kanilang citizenship. Diumano”y mga ama nila ay mga banyaga pero mga ina ay mga Pilipina.

Hindi pa lumilitaw ang ina ni Guo nguni’t ang nanay ni Taulava ay sinabing bata pa siya noon sa Samar kaya walang matandaan sa panahong iyon at lumipat na sa Tonga. Lusot ang matanda at malaking babae sa mga detalye



Ire naman si Alice ay lumaki raw sa bukid at nag-tutor lang at hindi pumasok sa eskwelahan. 17 años na nang naparehistro sa Phil Statistics Authority. Walang anumang record sa paaralan.

Pinalusot ang basketbolista kahit pa malinaw na pekeng Pilipino. Kasal at may anak sa isang Pinay kaya hinayaan na hanggang magretiro sa PBA.



Hindi natin sigurado kung ano ang kakalabasan ng imbestigasyon sa naturang alkalde sa Tarlac.

Isa lang tiyak. Ang dalawa ay hindi nagsabi ng totoo. Hindi si Asi noon at lalong hindi si Alice ngayon.Si Alice Asi eh.

***

Pabor si Ka Berong sa panukala ng may-ari ng koponan na Bossing para isang Protect 10 Dispersal Draft sa PBA.

Suhestiyon ni Dioceldo Sy ito para sa parity sa liga upang bumalik ang interes ng tao.

Maganda nga naman ito para hindi na lang kontrolado ang mga korona ng mga kampo nina MVP at RSA.

Papayagan na makuha ng iba ang mga player sa labas ng listahan ng 8 hanggang 10 bawa’t team.

Mabibigyan ng pagkakataon halimbawa na masungkit ng Columbia Dyip ang pang siyam ng SMB o GSM o TNT.

Pero kakayanin ba nila bayaran sa sahod nito? Paano kung iba nasa kontrata at aktuwal na suweldo?

Ganoon pa man ay mainam ito para sa PBA. Magkakaroon ng panibagong sigla ang walong koponan sa liban sa anim na hawak ng dalawang mayamang pangkat.

Basta dapat hindi ito kontrahin o isabotahe nina Chualay ay positibo itong development tiyak.

***

Palakpakan tayo sa bronze ng Alas Pilipinas sa AVC Challenge Cup. Malaking achievement yan sa halos dalawang linggo lang na pambansang koponan.

Sana i-maintain ito ng PVF. Palakasin pa kamo para sa SEA Games at iba pang International na mga torneo.

Nawa’y hindi maging problema ang mga mother team ng mga volleybelle gaya ng sitwasyon ng sa PBA.

***

Napansin ni Pepeng Kirat na kusang itinataas ni Luka Doncic ang kanyang kamay kapag tintawagan ng foul ng ref sa mga game ng Dallas.

Siya na lang yata ang basketbolista na gumagawa ng ganito ngayon.

Hindi na mahihirapan ang mga opisyales ng laro sa pagtala ng infraction. Ganoon din ang mga tagahanga.