Advertisers
ILANG hakbang na lang at marating na ni Carlo Paalam ang kanyang pangalawang Olympic appearance matapos makamit ang 4-1 decision kontra Artur Bazeyan ng Armenia sa round of 16 ng men’s 57kg division sa 2nd World Qualification Tournament sa Bangkok,Thailand Huwebes.
Dahil sa panalo, ang 25-year-old boxer ay napitas ang ticket sa quarterfinals at sa ngayon ay dalawang panalo na lang ang kailangan para makamit ang spot sa Paris Games sa Hulyo. Tatlong Olympic spots lang ang nakalaan sa kanyang division.
Ang susunod na makakatapt ni Paalam na silver medalist sa nakaraang Tokyo Olympics ang pambato ng Dominican Republic na si Jose Luis De Los Santos sa quarterfinal round Biyernes ng gabi.
Kapag natalo si De Los Santos, Makakasagupa ni Paalam maaring si Sachin Sachin ng India or Samuel Kristohurry ng France sa semifinals.