Advertisers

Advertisers

ROQUE: PEOPLE’S POWER VS MARCOS!

Sususpindehin daw si Mayor Baste, aarestuhin ng ICC si ex-Pres. Digong, at mai-impech si VP Sara...

0 43

Advertisers

NANAWAGAN ng ‘People’s Power’ si dating Presidential spokesman Harry Roque para pigilan ang pagkaroon umano ng ikalawang Marcos dictatorship at malabanan ang mga hakbang ng Marcos laban sa mga Duterte.

Sa kanyang programa sa SMNI (Sonshine Media Network International) na pag-aari umano ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Roque na nakatakdang suspendehin sa puwesto si Davao City Mayor “Baste” Duterte dahil sa mga pag-atake nito sa serye ng ‘Maisug Prayer’ rallies, kungsaan tinawag niya si President Marcos na “tamad”, “walang utang na loob” at marami pang mga brutal na salita na ‘di katanggap-tanggap para sa supporters ng Marcos.

Nauna nang inalis sa puwesto ang mga opisyal ng Davao City PNP dahil sa pagsunod sa ‘war on drugs’ na iniutos ni Mayor Duterte kungsaan ilan na umano ang napatay.



Ipinatigil ng administrasyong Marcos ang madugong war on drug ni Mayor Duterte.

Sinabi rin ni Roque na nanganganib nang arestuhin ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulo Rodrigo Duterte, at si Vice President Sara Duterte ay mahaharap sa impeachment pagkatapos maaresto ng international cpourt ang kanyang ama.



Ang matandang Duterte ay nahaharap sa kasong ‘Crimes against humanity’ sa ICC kaugnay ng ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon kungsaan sinasabing higit 30,000 ang nasawi.

Si Vice President Duterte nama’y kinukuwestyon sa Korte Suprema sa paglustay ng P125 milyong ‘intelligence fund’ sa loob lamang ng 11 araw, na ang pondo ay hindi nakatala sa General Appropriations Act of 2022.



Samantala, sa isang video na lumabas sa social media nitong Linggo, sinabi ni Mayor Duterte na gusto na niyang magkaroon ng pag-aayos kay Pangulong Marcos Jr, gusto aniyang manatiling buo ang Uni Team.