Advertisers
DATI ang West Philippine Sea ay isang malawak na “common fishing ground”, malaya ang lahat na napapabilang sa rehiyon ng Asia at mga karatig coastal areas nito na makapangisda sa karagatang ito.
Ngayon, tila umaapela pa tayo na tayo ay payagang maka-pangisda rito. At naghahangad na sana bumalik ang gaya ng dati.
At ngayon nga, ay parang may nabubuo ng tensiyon, dahil sa pagkaganid ng ilan. Di ba pwedeng pag-usapan na lang o’ idaan sa isang upuan ang di pagkakaintindihan sa isyung ito?
Kung legalidad lamang nga ang punto, malaki ang sa atin. Dahil sa pabor na desisyon nating nakuha na Arbitral Ruling noong 2016.
Di rin naman natin dapat paghatitian ang yaman ng karagatan. Dapat nga ay alagaan pa nating lahat ang mga likas yamang naninirahan sa karagatan na ito.
Eh kaso hindi nga eh, may mga ganid talaga sa mundo.Walang pakundangang sinisira ang tinatawag na biodiversity, na kung tayo o ang ating mga mangingisda ang tatanungin, ay talaga namang pinapahalagahan ang likas na yamang ito ng WPS.
Di ba nga, kapag nakakahuli tayo ng mga di dapat na hinuhuling lamang dagat ay i inabalik ng ating mga mangingisda ang mga ito sa karagata. Ang kaso, ang iba, pagkahuli nito, ay ninenegosyo o’ pinagkakitaan pa.
Tumbukin ko na, ang may gawa nang ganyan ay yan mga ganid na Tsengwa, na bukod sa inaangkin ang halos buong karagatan na sa Asia, ay sinisira pa ito.
Basta ang lahat ng daanan ng kanilang mga barko na parte ng karagatan ay nasisira dahil sa mga ganid na ito. Di na nila iniisip ang kapakanan ng di lamang ng laman ng dagat, kung di ang mga susunod pang mga henerasyon.
Ganyan ang ganid, di ba? Sarili lang iniiisip. Na niyo mga Tsengwa. Tubuan sana ng mga kaliskis at buntot ang inyong mga katawan sa pagiging kawatan ninyo sa karagatan.
Alam niyo ba ang oanganib na naka-abang dito? Sa mga pinaggagawang ito nang pagsira sa karagatan, literal na mag-iiba ang ihip ng alon. At kung ito ay mangyari, sana ang matataas o kakaibang alon ng dagat ay sa mga Tsengwa na pumunta.