Advertisers

Advertisers

DONDON ALAHAS SANGKOT SA SHABU SMUGGLING SA BATANGAS!

0 1,231

Advertisers

KUNG bakit naging tradisyunal na ruta ng operasyon ng smuggling ring ang lalawigan ng Batangas, ay ito ang kailangan tutukan ng mga awtoridad lalo na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Simula pa noong dekada 80’s ang mga baybayin ng dalampasigan ng Batangas ang naging paboritong bagsakan ng smuggled product ng mga kotrabandista ng petroleum product at mga narco smugglers.

Batay sa pananaliksik ng SIKRETA unang nadiskubre ang operasyon ng mga narco smuggler sa panahon ng pamamayagpag ng notoryus na cocaine at opium smuggler na si alyas Don Pepe Oyson. Hindi lamang pagpupuslit ng high grade na droga ang inatupag ni Oyson bago ito napaslang ng mga NBI agent, kundi maging ang pagpasok sa bansa ng mga undocumented na Chinese National.



Gamit ang mga nagpapanggap na Taiwanese Shipping vessel, na ino-operate ng isang alyas Tony Chua ang General Manager ng mga Singapore based shipping firm na kung tawagin ay mga Taiwanese junks na kasabwat ni Oyson ay nakapag papasok ng droga at pulu-pulutong na banyagang Intsik sa mga daungan sa dalampasigan ng Mabini, Bauan at Nasugbu.

Kasamang naipupuslit ng mga “undocumented” na Intsik ay ang mga cocaine at opium na ipinapalaman sa loob ng mga malalaking isda na kargamento din ng mga naturang fishing boat.



Isang Taiwanese na alyas Samson ang nagdedeliver ng payola o intelhencia sa maraming mga port official na kinabibilangan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard, iba pang port authorities at government officials sa Batangas.

Ang serye ng mga pagbubunyag ng inyong lingkod na nailathala sa isang daily tabloid noon ang naging dahilan sa malawakang crack down ng mga awtoridad laban sa sindikato mula noong 1988 hanggang sa ganap itong malansag. Kasunod nito ay ang pagkapaslang ng NBI agent kay Oyson.



Ang mga pagsisiwalat din natin sa operasyon ng naturang sindikato ang naging dahilan ng pagsasampa ng ilang mga kasong libelo ng mga abogado ng sindikato laban sa inyong lingkod na agaran din namang ibinasura ng piskalya sa Batangas pagkat matibay ang ating batayan sa naganap na katiwalian sa panahong iyon.

Ang naturang drug smuggling activity ay agad ding nasundan ng tangkang pagpupuslit ng ilang toneladang marijuana na ikinarga sa mga cargo truck mula sa barkong dumaong sa bayan ng Nasugbu at nasabat naman ng Narcotics operatives sa Lipa City.

Korapsyon sa pagitan ng ilang police at government officials ang isa sa pangunahing dahilang nasisilip kung bakit naging “smugglers haven” na ang lalawigan ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas. Sa milyones na suhol ay mabilis na nasisilaw ang ilang opisyales ng government law enforcing unit ng mga petro product at narco smuggler.

Ang sindikatong ito ay buhay na buhay na naman at tila multong nagbangon sa katauhan ng Cebu based na si Dondon Alahas. Siya din ang pinaniniwalaang utak sa operasyon ng pagawaan ng pekeng branded na sigarilyo na nadiskubreng nag-operate sa bayan ni Agoncillo Mayor Daniel Reyes. Si Dondon Alahas din ang itinuturong utak sa malawakang petroleum product smuggling na garapalang naipadidiskarga sa Batangas City Pier at sa ilang tagong baybayin ng mga barangay ng bayan ng Sariaya, Quezon Province.

Naipapasok ni Dondon Alahas ang mga smuggled na krudo at gasolina mula sa Malaysia na hindi ipinagbabayad ng kaukulang taripa o buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs sa Batangas City Port.

Mula sa kinalululanang barko at barge ay ikinakarga sa mga closed van at tanker truck na pag-aari ng mga kasabwat na Chinese traders ang mga petro product at ipinadedeliber sa mga buyer na gasoline station operators sa CALABARZON at iba pang panig ng Luzon. Malaking kantidad din at milyones na halaga ng petro product ay ipinaiimbak naman ni Dondon Alahas sa kanilang kuta sa Brgy. Aguila sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron.

Gwardiyado ang kuta ni Dondon Alahas na nasa gawing likod lamang ng bahay ni Brgy. Aguila Chairman Felix Gutierrez ng limang mga armado ng M-16 rifle at .45 pistola na pinamumunuan ng kapatid ni Dondon Alahas na isang alyas Niño.

Dahil sa nakikitang impluwensya ni alyas Dondon Alahas, kailangan silipin din nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at PNP Region 4A Director BGen. Paul Kenneth Lucas ang posibleng kawing ng grupo ng nabanggit na ilegalista sa bigong pagpupuslit ng may Php 9.6B halaga ng shabu na nasabat noong April 15, 2024 sa bayan ng Alitagtag, Batangas. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144