Advertisers

Advertisers

ANG KAPAL NG MUKHA!

0 15

Advertisers

SAAN KAYA kumukuha ng kapal ng mukha ang Tsina para magdeklara na kailangang magpaalam muna sa kanila bago magpunta o kung anuman ang gagawin ng mga Pinoy sa Ayungin Shoal?

Sobrang pang-aapi na ang ginagawang ito ng mga tsekwa sa ating karapatan bilang isang malaya at may soberenyang bansa dahil hindi na nila iginalang na ang nasabing lugar ay sakop ng ating 200-mile exclusive economic zone ng bansa.

Masiyado naman yata nilang pinaninindigan ang kasabihang ‘might is right”, at dahil nga mas malaki sila bilang bansa keysa sa atin ay sila na lang ang laging tama at dapat masunod.



Nakakalimutan yata nila na may international law na dapat sundin ang bawat isang sibilisadong bansa upang mapanitili ang katahimikan at kaayusan sa mundo.

Dahil sa patuloy na panggigipit na ito ng Tsina sa atin sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng pangha-harass ay tila hinahamon nila ang katatagan at pagkakaisa ng international community.



Subalit ano nga kaya ang totoong dahilan sa ipinakikitang pagkaganid na ito ng Tsina na hindi pa nasisiyahan sa kanilang status bilang isa sa pinakamayayamang bansa sa kasalukuyan?

Gusto ba nila talagang sumabak sa kaguluhan at itaya ang kasalukuyang natatamong katahimikan at kasaganaan ng kanilang bansa at mga mamamayan?



Baka naman gusto nilang ipakita na astig na sila ngayon at kaya na nilang sumabak sa mga digmaan?

Alam naman kasi natin na sa mga nakaraang panahon ay talagang walang magawa ang Tsina kaya naman madalas silang nasasakop ng mga bansang gustong sumakop sa kanila.

Ibig sabihin ba nito ay “payback time” at gustong nilang ipakita ang kanilang lakas at kapangyarihan sa pamamagitan ng pang-aapi sa mga kalapit-bansa nila tulad ng Pilipinas?

Sana naman ay isaalang-alang ng Tsina ang tinatawag na international order at huwag na nilang hintayin na magkagulo pa sa West Philippine Sea.

Kapag nangyari kasi iyon ay baka maging mitsa ito ng isang pandaigdigang sigalot na sa huli ay walang mananalo sa halip ay matatalo ang lahat ng bansang sangkot dito.

Makuntento na sana ang Tsina sa kung ano ang para sa kanila at huwag na nilang tangkain pang agawin ang mga teritoryong alam nilang hindi naman sa kanila.

Abangan!