Advertisers

Advertisers

Nasaan si Quiboloy?

0 18

Advertisers

HINDI parin natatagpuan ng mga awtoridad ang puganteng lider ng “kulto” na si “Pastor” Apollo Quiboloy.

Nitong Lunes ng umaga, nagkaroon ng tensiyon sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Sasa, Davao City nang sugurin ng mahigit 100 pulis ang compound para halughugin, baka dito nagtatago ang KOJC founder na wanted sa mga kasong kriminal tulad ng sexual abuse, rape, human trafficking, dollar smuggling at illegal detention sa mga korte sa Pilipinas at Amerika.

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong sexual abuse at trafficking cases sa mga korte sa Davao City at Pasig City.



Pero ang kaso niya sa Davao City ay inilipat na sa Quezon City.

Sumugod sa compound ng KOJC ang mga pulis na may dalang search at warrant of arrests, sabi ng ating source sa Davao PNP.



Sa pagsugod ng mga pulis, hinarang sila sa gate ng supporters ni Quiboloy. May mga hawak itong cellphone at kinukunan isa isa ng video at larawan ang mga pulis na naka-full battle gear.

Ang isang supporter ay may hawak na megaphone, ipinagsisigawang “inosente” ang kanilang lider sa mga inaakusa laban dito.



Hindi anila totoo ang alegasyong sexual abuse at trafficking, gawa-gawa lang daw ito ng kanilang mga miyembro na nagkaroon ng galit sa kanilang lider na kung ituring nila ay “diyos”, si Quiboloy.

Itinanggi rin nila ang alegasyong ‘rape’, sinabing ang kanyang mga babae ay nag-away-away lang para maging asawa niya. Ipinangalandakan narin ito ni Quiboloy sa kanyang video message sa SMNI (Sonshine Media Network International) na pag-aari niya noon.

Nagawang makapasok ng mga pulis, na may backup na helikopter, sa compound. Pero walang natagpuang Quiboloy sa loob.

Si Quiboloy, naging spiritual adviser ni daating Presidente Rodrigo Duterte, ay hindi na nakita sa publiko simula nang maisyuhan ng arrest warrants ng mga korte.

Huli siyang nakita kasama sina Duterte sa isang restoran sa Davao City.

Nasaan si Quiboloy?

“Nasa Davao lang yan”, sabi ng netizens.

***

Habang lumalalim ang imbestigasyon ng Kongreso sa mga katiwalian sa pabili ng mga gamit at suplay para sa Covid 19, karamihan ay hindi nagamit na facemask, ay nabubunyag kung sino-sino ang mga kumamal ng limpak limpak at ang pinaka-mastermind ng paglipat ng higit P47 billion na pondo ng Department of Health sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) noong 2020.

Ang tanong: Mapapanagot naman kaya ang mga animal na ito?

Hangga’t si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr ay malambot sa paghabol sa mga tiwaling opisyal ng nakaraang Duterte administration, tingin ko ay mauuwi lang din sa wala ang mga imbestigasyong ito ng Kongreso.

Say n’yo mga pare’t mare?

***

Nag-aaway-away na raw ang mga kolektong ng Philippine National Police na sina “Maclang” at “Wano”, alam kaya ito ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil?

Kung walang alam si General Marbil sa mga nangongolektong para sa kanyang tanggapan, ipahuli niya itong Maclang at Wano.

Sabi ng source, daan daang milyon ang nakokolekta nina Maclang at Wano sa mga iligal sa buong bansa.

Sa CALABARZON palang ay P20m a week na! Boom!!!