Advertisers
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at pagkakumpiska sa 51.35 grams ng shabu ang isang drug suspect sa Navotas.
Kinilala ni Navotas police chief PCol.Mario Cortes ang naarestong suspek na si alias “Arjay “, 32 , ng Catleya St., Brgy. NBBS Proper, Navotas City.
Sa ulat, 1:42 ng madaling araw kahapon , araw ng Miyerkoles ng masakote sa isinagawang buy- bust operation ang suspek sa Bonito St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.
Nagkasa ng buy- bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit, na may koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.
Nakumpiska ang 51.35 grams ng shabu na may (SDP) standard drug price na P349,180.00.(Beth Samson)