Advertisers

Advertisers

126 PDLs pinalaya sa ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

0 11

Advertisers

Bilang bahagi ng selebrasyon ng 126th anibersaryo ng proklamasyon ng Philippine Independence sa Pilipinas, pinalaya ng Department of Justrice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) nitong Miyerkoles, June 12 ang 126 persons deprived of liberty (PDLs).

Bukod dito, nagsagawa rin ng libreng legal aid sa New Bilibid Prison (NBP) na pinangunahan nina DOJ Undersecretary Margarita N. Gutierrez at BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.

May temang “Mga Repormasyong Binigay, Natutuna’y Kaalaman Tungo sa Pagbabagong Buhay”, na naglalayong parangalan ang katatagan at repormasyon ng mga PDL sa harap ng kahirapan bilang paghahanda sa kanilang muling pagsasama sa lipunan.



Layon din ng kaganapang ito na magsilbing palaging paalala sa ibang PDLs na mayroong pangalawang pagkakataon sa buhay pagkatapos ng positibong pagbabago sa sarili.

Pinapurihan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla si Catapang sa napapanahong hakbangin na ito na makiisa sa pagdiriwang ng bansa sa Kalayaan ng PIlipinas sa pamamagitan ng makabuluhang proyekto namagiging lubhang kapaki-pakinabang sa Lipunan.



Samantala, ang Public Attorney’s Office (PAO), katuwang ang Ateneo Legal Services Center (ALSC), nagbigay ng libreng legal services sa mga PDL sa NBP.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">