Advertisers
IPINANGANGALANDAKAN ngayon nina alyas Buloy, Baldo at Dennis na maraming opisyal ang nakikinabang sa multi-million halaga nilang kita kada araw sa paihi ng A-1 Jet Fuel at iba pang produktong petrolyo sa Port of Batangas partikular sa Barangay Santa Clara at Sampaga.
Ayon sa source, tiba-tiba ang ilang tiwaling opisyal na protektor ng oil smuggling na A-1 Jet Fuel na isang mamahaling uri ng langis na ginagamit sa mga eroplano.
Sino kaya sa mga opisyal ng PCG, Maritime PNP, Batangas City Police Station, Bureau of Custom at Batangas Police Provincial Police Office ang mga tiwaling unipormado na sangkot sa oil smuggling sa Port of Batangas?
Ipinagmamalaki umano nina alyas Baldo, Dennis at Buloy, na hindi tatagal ang kanilang dekada ng paihi sa lote ng isang Mr. Tan kung mga mahihinang opisyal ang kanilang sinasandalan.
Ang tanong, gaano naman ito katotoo Batangas City Chief of Police Police Lt. Col. Jephte Banderado, Acting Chief Regional Maritime Unit 4B PCol Charlie Tanayan Vete, PPA General Manager Jay Daniel Santiago, BOC Commissioner Bienvenodo Rubio, Coast Guard District Southern Tagalog, Commodore Geronimo Tuvilla, Batangas Governor Dodo Mandanas, Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto Malinao, at PRO4A-regional director PBrig. Kenneth Lucas gayong halos nasa tungki lamang ng inyong mga ilong ang paihi ni alyas Buloy, Dennis at Baldo.
Untouchable din ang operasyon ng paihi at pasingaw ni alyas Dan ng Liquified Petroleum Gas ng oil banker at bullet truck sa Star Tollway sa Lay By Parking mula sa Batangas City, Ibaan, San Jose, Lipa City, Malvar, Tanauan City hanggang Sto. Tomas, Batangas.
Ayon sa impormante, patuloy ang operasyon ng sindikato ng paihi at pasingaw ni alyas Dan na sinasabing pinaka bigtime na operator na taga San Pedro Laguna, na may kontrol sa pagnanakaw ng krudo gasolina at LPG mula sa mga bullet truck (flamable) at mga oil tanker.
Kilala si alyas Dan na isa sa mga pinakamalaking sindikato ng “paihi” at ‘pasingaw” sa Star Tollway ng Lay-By Parking sa SLEX na naging milyonaryo sa paihi kasabwat ang mga driver pahinante, dispatcher at checker ng mga refinenary.
Bukod kay alyas Dan, untouchable din ang kakumpetensiya niya sa negosyong paihi at pasingaw na si alyas Roy F. na taga-Brgy. Bawi, Padre Garcia, Batangas na lumilinya rin sa Lay Bay Parking ng SLEX na binabantayan umano ng ilang tauhan ng PNP ayon sa source.
Binansagan ang mga sindikatong ito ng “Buriki Sahod Tanker.” na kunwari nasiraan namay inaayos ang mga oil tanker sa kahabaan ng SLEX na ipinaparada sa Lay Bay ang banker oil tanker kung saan may tatabi na oil tanker na walang laman saka sipsipin ang laman ng nasiraan kuno na oil tanker.
Samantala ang untouchable na kinatatakutang operasyon ng paihian ng gasolina, A-1 jet fuel, at iba pang produktong petrolyo ni alyas Amang sa Barangay Bancal, sa bayan ng Carmona at paihi ni alyas Manny sa Navotas Port.
Abangan!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.