Advertisers

Advertisers

Malabnaw ang trato ng Senate Impeachment Court?

0 7

Advertisers

Nasa halos ika-16 araw na ng pagdinig sa Apat na Artikulo ng Impeachment laban kay VP Sara Duterte — at sa kasamaang palad naglalawitan na ang puna at batikos sa trato ng Senate Impeachment Court sa dalawang panig ng usapin. May kilya ang saranggola ni Pepe … isang kantang pumukaw sa pagkatao ng Pilipino na inihambing sa “papagayo” na paboritong libangan ng sinaunang probinsyano gayun na rin sa ilang nasa maluluwag na lugar sa Kamaynilaan. Ang iginaganda ng saranggola o papagayo ay ang paglipad nito nang walang bahid kilya o kiling kahit pa banggain ng malakas na hangin — pirme, matatag at walang katinag-tinag.

Si Presiding Officer Senator Chiz Escudero at puspos ngayon ng puna sa mainstream media lalo na sa social media kung saan ang mamamayang Pilipino na tutok sa pagdinig ng mga kasong inihain laban kay VP Sara Duterte ng mababang kapulungan ng Kongreso ay nasa halos ikalawang buwan na ng pagdinig.

Ilang puna at batikos mula sa mga tagasunod sa panig ng prosekusyon at maging sa panig ng depensa ang nakapansin ng di kaaya-ayang huling kaganapan sa “rueda” ng Senado — ang pagtutunggali ng mga abugadong sina Atty. Lorna Kapunan ng Prosecution Team at Atty Kristine Ferrer ng Defense Team sa pagbubusisi ng Rule 132, Section 10 (RULE ON EVIDENCE): A MISLEADING QUESTION…ISN’T ALLOWED?!

Ang pinagpipitagan ng maraming tapos sa abugasya maging mga kakontemporaryo niya— na si Atty Lorna Kapunan ay mariing sinasabi na ayon na rin sa nasusulat sa mga libro ng batas — mula sa paaralan hanggang sa lahat ng korte sa Pilipinas HINDI PINAPAYAGAN SA ISANG CROSS EXAMINATION NG ISANG TESTIGO ANG PAGTATANONG NG MISLEADING QUESTION…na, sa kaalaman naman ng isang abugadong miyembro ng depensa na si Atty Kristine Ferrer — AY PUPUWEDE?!

CIRCUITOUS masyado o sadyang nanlilito ang cross examination ng batang abugadang si Atty Ferrer — na sa marahas na pananalita at di-maintindihang ikinikilos (uncalled, uncommon gesture) sa cross examination ng resource person/witness na auditor ng COA — ang pumukaw sa atensyun ng milyong PILIPINO ng tutok sa impeachment trial. Dahil sa mga nakakaintindi ng court procedures ang DIREKTANG PAGTATANONG NG MISLEADING QUESTION AY HINDI PINAHIHINTULUTAN — pero para sa batang abugada …PUPUWEDE ! Ang eksenang ito ay umani ng tawanan mula sa mga nanunuod na pawang mga abugado at abugada! Ito ang naging mainit na paksa sa internet lalo na sa Facebook, Instagram at ilang social media platform na alalumbaga’y napansin ng mga netizen ang malabnaw na trato at tila may “kinikilingang panig” ang Presiding Officer na si Chiz Escudero…na bagamat naapula ang mainit na balitaktakan, ay naruruon pa rin ang suspetsang bubuhay pa rin ang stigma na paghadlang sa unang impeachment try laban sa anak ng dating Pangulo ng bansa na ngayo’y napipiit sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Maging ano pa man ang kahihinatnan ng pagdinig na ito ang hiling ng marami ay iisa lang — bigyan daan ang KATARUNGAN AT HUWAG ITONG HARANGAN TULAD NG NAUNANG BIGONG PAGDINIG! KARAPATAN NAMING MAMAMAYAN ANG MAKAMIT ANG KATARUNGAN!