Advertisers
NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ito’y sa katauhan nina Felizardo R. Colambo at Nelly Nita N. Dillera na kapwa itinalaga bilang deputy director-general ng ahensya.
Kinumpirma rin ng Presidential Communications Office (PCO) ang appointment ng mga nasabing opisyal.
Ang TESDA ay attached agency na ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Matatandaan na sa pamamagitan ng Executive Order No.5 ni PBBM noong 2022 ay inilipat ang TESDA sa DOLE mula sa Department of Trade and Industry (DTI). (Gilbert Perdez)