Advertisers

Advertisers

Pagbabakuna vs covid-19 sa 60-M Pinoy aabutin ng 3 – 5 taon

0 203

Advertisers

AMINADO ang National Task Force Against COVID-19 na aabot pa ng 3 hanggang 5 taon bago matapos ng gobyerno ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa target na 60 milyong Filipino.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., may 2 hanggang 30 milyong katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 milyong Filipino para magkaroon ng herd immunity.
Saad pa ni Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaaring masimulan ang pagbabakuna.
Mayroon na aniyang listahan ang pamahalaan kung saan 35 milyong Filipino ang bibigyang prayoridad ng bakuna.
Ayon kay Galvez, base ito sa isinumiteng listahan ng Department of Health (DOH) na naayon na rin sa gabay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nakikipag-negosasyon na ang pamahalaan sa mga kumpanyang AstraZeneca, Sinovac, Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.
Nasa P73 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna. (Josephine Patricio)