Advertisers

Advertisers

Covid update: 183 gumaling; 31 nasawi; 1,202 bagong kaso

0 472

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,202 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Nobyembre 25.
Samantala ay mayroon namang naitalang 183 na gumaling at 31 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (27,745) ang aktibong kaso, 91.5% (386,955) na ang gumaling, at 1.94% (8,215) ang namatay.
Nangunguna pa rin ang Davao City sa may mataas na naitalang mga kaso na may 137.
Gayundin, nakapagtala rin ng mataas na kaso ang Quezon City na may 68 kaso, Batangas, 59; Laguna, 54 at 47 sa Cavite. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)