Advertisers

Advertisers

PAGBABAGO DAHIL SA SBDP

0 39

Advertisers

Social Development Program (SBDP) ang gamit ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa nga lugar na dati’y kinukubakob ng mga komunistang-teroristang NPA.

Ito ay paglalatag ng mga kaparaanan para mapanatili ang kaayusan sa mga lugar na ginulo ng NPA at muling naagaw ng pamahalaan sa pamamagitan ng militar.

Dala ng SBDP ang mga kailangan para paunlarin ang mga lugar na ito, sa ating mga kanayunan. Mapa-impras trakura, edukasyon, kakusugan o’ teknolohiya, ang SBDP ang nagbibigay ng kasiglahan sa kabuhayan sa mga lugar na ito.



Batay sa pahayag ni NTF-ELAC Deputy Executive Director at SBDP Action Officer Monico Batle, tulad ng mga farm-to-market, halimbawa, na naibigay sa pamamagitan ng SBDP, “ang travel time, kung dati ang nakakadaan lang diyan ay kabayo at kalabaw eh ngayon, pwede na silang gumamit ng 4-wheel na sasakyan.”

“Pwede na motor at habal-habal. So ang resulta niyan, yung kanilang agri-products napapadala nila sa merkado ng maiksing oras. Isa yan sa mga naging impact na generic sa lahat, yung produkto nila ay napupunta nila sa merkado ng mas maaga kaya malaki yung impact ng economy sa sitio o nung barangay,” paliwanag ni Batle.



Kahit nga raw ang mga mag-aaral, na dati ay timatawid pa ng mga ilog oara lamang makapunta sa kanilang paaralan ay di na ginagawa ito. Gamit na nila ngayon ang habal-habal o motorsiklo.

‘Basic services’ ika nga ang dala ng SBDP, upang maoagaan ang buhay ng ating mga kababayan sa mga kanayunan na napagsamantalahan oa ng mga komunistang-teroristang.



Kasama rito ang paglalatag ng kuryente, at makabagong teknolohiya upang makasama ang mga naninirahan doon sa mabilis na tabo ng buhay. Makagamit sila ng mga cellphones, television, music, at online services.

Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng SBDP, paraan upang mabago na rin ang pananaw ng mga mamamayan doon na talagang may malasakit ang pamahalaan sa lahat. Malaking kabaligtaran sa mga itinanim sa kanila na maling ideolohiya ng NPA.