Advertisers
NASAWI ang anim na pasahero kabilang ang tatlong menor de edad nang mahulog sa bangin ang sinasakyang elf truck sa Barangay Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte.
Sa report ng Davao del Norte PPO, kabilang sa nasawi ang tatlong menor-de-edad.
Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, bukod sa anim na namatay, nasa 19 pa ang sugatan na sakay ng nasabing truck.
Isinugod ang mga sugatan sa Kapalong District Hospital.
Base sa Talaingod Municipal Police, papunta ang trak sa isang pababang daan at habang papalapit sa kurbadang bahagi ng kalsada, pumalya ang preno ng sasakyan at nawalan ng kontrol ang driver dahilan para mahulog ang sasakyan.
Nasa kustodiya ng Talaingod Municipal Police ang driver ng trak at maaaring kasuhan sa aksidente.