Advertisers

Advertisers

Wala pang ulat na nakapasok na sa bansa ang Japan virus – MIAA

0 8

Advertisers

WALA pang kahit na anong ulat na posibleng nakapasok na sa bansa ang kinatatakutang virus mula sa Japan.

Sinabi ni MIAA spokesman at head executive assistant Atty. Chris Noel Bendijo na mino-monitor ng Bureau of Quarantine (BoQ) ang lahat ng dumarating na pasahero sa NAIA Terminals at wala pang ulat na nakapasok na nga ito.

Sa direktiba ni airport general manager Eric Ines, ang BoQ ay naatasan na kaagad na ipagbigay-alam ang anumang posibilidad na nakapasok na sa bansa ang virus na streptococcal toxic shock syndrome (STSS), ayon kay Bendijo.



Sinabi pa nito kaugnay ng paglalagay kamakailan lamang ng mga signs sa NAIA na humihimok na magsuot ng face masks, ito naman aniya ay hindi obligado kundi boluntaryo lamang.

Sinabi ni Bendijo na ito ay paalala lamang na ang pagsusuot ng face mask ay para matiyak na mas ligtas ang taong nagsusuot nito lalo na’t may banta ng virus mula sa Japan.



Hinihikayat din ng MIAA ang mga pasahero na gawin ang nakasanayan nang health protocols noong panahon ng pandemya tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, distancing at pagtatakip ng bibig at ilong kapag babahing, sisinga at uubo, dagdag pa nito.

Tiniyak din ni Bendijo sa lahat ng pasahero na laging nakikipag-ugnayan ang MIAA sa BoQ habang patuloy itong nagmo-monitor ng mga dumarating na pasahero di lamang galing sa Japan kundi maging sa ibang bansa, para sa posibleng sintomas ng virus. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">