Advertisers

Advertisers

‘WAG NAMAN

0 18

Advertisers

MALIWANAG na po mga giliw na tagasubaybay ng maliit na kolum na ito. Si Alice Leal Guo ay huwad na Pilipino. Pinatunayan ito sa pamamagitan ng kanyang recorded fingerprints na kinumpara sa fingerprints ng isang tsino na nagngangalag Guo Gua Ping. Mabuti at nasiwalat na ito. Ang bumabagabag sa mga sumusubaybay sa isyu ay paano at sino ang naging pabaya o nagpakana. Alam ng inyong abang lingkod na notoryus ang galing ng mga kinauukulan sa larong patintero, at mabilis pa sa pagtuturo ng iba.

Diretsuhan tayo. Pakibalik ng hintuturo patungo sa matigas ninyong mga mukha. Nagbili kayo ng pagka-Pilipino. Marahil ito ay dahil sa salapi, o pag-udyok mula sa kaibigan, hindi na natin malaman ang dahilan. Ang dapat maging maliwanag sa bawat mamamayan ay may nakikitang butas ang mga hanep upang makapasok sa bansa tangan ang huwad na pagkatao, upang maghasik ng kanilang agenda mapa-pusakal man o hindi. Sa pagsiwalat sa inyo at pagsakdal magkakaroon ng katarungan ang tunay na Alice Leal Guo at ang bansang kinasangkapan ninyo mga hamag kayo.

***



SA mga nasaksihan at napakinggan ko sa unang presidential debates para sa pagkapangulo ng Estados Unidos dalawng bagay lang po ang nakita ko. Ang katandaan ni Joe Biden at kahibangan Donald Trump. Una, maliwanag na hindi na kasing liksi ng dati si Joe Biden. Maraming nakapuna ng mas mahina at mas mabagal siya kaysa sa noong unang kumampanya siya. Bagay na ikinabahala ng mga Democrats na ngayon ay nasa panic-mode, at nag-iisip ng paraan upang mabaligtad ang negatibong resulta nito sa kampanya.

Pangalawa, ang performance ni Donald Trump. Pinilit niya ang magbigay ng datos na nagpatunaya ng huwad at pilit na kinukumbinsi ang Amerika na siya lang ang magaling kaya siya lang ang makakalutas sa mga suliraning bumabagabag sa bansa. Natatawa po ang inyong abang lingkod, sapagkat nagigisnan ko po ang dalawang matatandang nagsisipagdebate; isang hukluban at isang matandang mayabang; sa totoo lang hinihintay ko na lang ang maghampasan sila ng tungkod. Bagaman, maliwanag po sa akin ang kinagisnan, at maliwanag din sa akin ang tunay na nagwagi.



Si Donald Trump ay na kalaunan ginamit ang debate upang magbuhat ng sariling bangko, na maliwanag sa inyong abang lingkod, mas mahalaga sa kanya kaysa bangko ng bawat mamamayang Amerikano. Maliwanag na kapag naging pangulo siya babaligtarin niya ang hatol sa kanya, ipababaon ang iba pang kaso sa kanya, at uusigin niya ang lahat ng kaaway-politikal niya. Si Biden bagama’t mabagal at may pagka-utal, maliwanag ang daan na gusto niyang ipatahak sa Estados Unidos.

Nagunita ko ang pabula ni Aesop tungkol sa karera ng pagong at kuneho. Siguro, hindi ko na kailangang sabihin kung sino ang nagwagi. Bilang panuldok ang kaibahan ng pagong sa kuneho ay kuneho wala pang alagang magkakatuwang sa kanya kung sakal ng pagong ay may nililimlim na itlog. At ito ay nasa katauhan ng isang nagngangalang Kamala Harris. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.



***

Matagal ko nang iniiwasan ang makipagtagisan ng talino ukol sa paniniwala at pananampalataya dahil sapantah ko ang bawat tao ay maysariling paniniwala at pananampalataya. Ngunit nabasa ko ang panawagan ng Couples For Christ tungkol sa isyu ng diborsyo. Hindi ako sang-ayon. Pero bago ninyo ako itiwalag at iluklok sa impiyerno, himayin po natin ang laman ng inyong pahayag; sa paniniwala niyo na magiging dahilan ang diborsyo sa pagkakaroon ng pagtaas ng krimen at pagkagumon sa bawal na gamot at sakit sikolohikal, pagtaas ng pagpapatiwakal at pagbaba ng grades sa eskwela.

Sinabi niyo na ang layunin niyo ay hindi husgahan ang mga batang apektado ng diborsyo bagkus alagaan sila mula sa masamang dulot ng “broken homes” at diborsyo. Nagbigay kayo ng apat na alituntunin na dapat sundin katulad ng maingat na pagpili sa pagiging asawa, ang mag-asawang nagsasama ay maaaring magbigay ng tamang gabay sa mga anak, ang mga “single parents” ang mga tahimik na biktima ng paghihiwalay dahil sila ang nananatiling may sugat bunga ng hiwalayan, at ang pangatlo, na masasabi kong “slogan” imbes na layunin ang pamilya ay haligi ng isang matatag na lipunan.

Puputulin ko dito at patutubuin ko ulit ang mga sungay ko didiretsuhin ko kayo; KABULAANAN. Ang tamang paglaki ng bata ay naksalalay sa asal na natutunan niya mula sa lugar na pinaglakihan niya, mga magulang, HIWALAY MAN O BUO, at sa mga kaibigan niya. Kaya bago sindihan ang kalan ni taning may mga stupid question lang po: saan niyo nakuha ang datos niyo?

Pangalawa at huli, applicable ba ang pahayag na ito sa lahat ng naniniwala kay Poong Kabunian, mga lumad, at walang pananampalayata? Kasi po ang pagkakaintindi ko sa diborsyo ay ito ay panukalang batas, at hindi ito atake sa matrimonyo, na ito ay pagbibigay ganantiya sa isang tao ng alternatibo sakaling ayaw na niya dahil sa abusong pisikal o sikolohikal, o dahil AYAW NA NIYA. Ito ang sinabi ni Edcel Lagman: ““It is precisely because of human frailties like marital abuse, infidelity, and abandonment, among other mortal weaknesses, that marriages are totally destroyed beyond repair,”

Katulad ng Parabula ng denarius ibigay ang ukol kay Caesar ang kay Ceesar, ngunit ang sa Diyos ang sa Diyos. Ang Poong Kabunian biniyayaan tayo ng abilidad na mamili. Kung pinili mo ang diborsyo eh yun ang pinili mo. Kung hindi ka apektado eh bakit mo maaapekto sa pasya ng iba? Pasya yan eh.

***

mackoyv@gmail.com