Advertisers
KABILANG ang dating Ateneo Blue Eagles Geo Chiu sa lumalaking numero ng Filipino imports sa Japan B.League matapos lumagda sa B2 team Ehime Orange Vikings.
Ang 23-year-old big man ay maglalaro sa 2024-25 season kasunod ng kanyang stint sa Strong Group-Philippines sa parating na 23rd William Jones Cup.
Nagdisisyon si Chiu na talikuran ang kanyang playing year sa UAAP at umakyat sa pro sa Taiwan Mustang sa 2024 Asian Tournament.
Sa katunayan, Chiu ay kasali sa tuneup match ng Mustang nakaraang Linggo laban sa Gilas Pilipinas bago ang FIBA Olympic Qualifying Tournament.
Iba pang Filipino imports na napaloob sa free agency sa pagtiklop ng nakaraang season ay nagsimula nang maghanap ng bagong tahanan sa Japan upang mapalawig ang kanilang pananateli sa overseas.
Samantala, ang dating teammates ni Chiu Kai Ballungay,Jared Brown at Jason Credo ay nagdesisyon rin na ipagpatuloy ang pro ranks sa pagtapos ng season 86 na ang Blue Eagles ay nalasap ang Final Four exit.