Advertisers

Advertisers

Exciting Eala!

0 2

Advertisers

Wala ng makapipigil sa pagtaas ng popularidad ni Alex Eala.

Pagkatapos ng exit niya sa Toronto Open ay sa Cincinnati naman siya lalaban.

Ayon sa mga ulat ay mabilis din ang bentahan ng ticket doon.

Sa,ngayon ay si Alex ang may pinakamaraming match sa 2026 WTA Tour. Nakaabot na 65 games ang 21 años na dalaga. Daig niya sina Jessica Pegula at Elina Svitolina na may tig -61.

Kasali rin siya sa US Open na bahagi ng Grand Slam.

Sa Setyembre ay kabilang naman siya PH team sa Asian Ganes sa Nagoya, Japan kung saan pipilitin niyang makaginto para sa Pinas.

Kailan lamang ay pinapirma siya ng Mariott Convoy hotel chain bilang brand ambassador.

Excited ang buong bansa para sa iyo, Alex.

Pagpalain ka pa kabayan ng Poong Maykapal. Proud na proud kami sa iyo.

***

Bukas na ang Naga leg ng Angat Bayanihan Run.

Ito ang pangalawang patakbo ng NGO na itinatag ni Leni Robredo noong 2016

Nitong nakaraang buwan ay mga 8, 000 katao ang lumahok sa unang yugto ng AB Run na ginanap sa Makati .

Sa katunayan marami pa ang gustong sumali nguni’t sadyang nilimitahan ang bilang sanhi ng ito ang una at dahil sa seguridad.

Inaasahan na mga limang libong tao ang tatakbo sa fun run sa maogmang lugar.

Siyempre darating si Mayor Leni at iba pang mga sikat na personalidad.

***

Nagkakatotoo na ang inulat nating posibleng pagbabago sa koponan na NLEX sa PBA.

Mangyari ay mabibili ng San Miguel group ang malaking bahagi ng kumpanya na nasa likod ng prangkisa

Maaring sharing na ng pag- aari ang pangkat nina MVP at RSA sa toll company pati sa Road Warriors.

Magiging 3 1/2 to 2 1/2 na mula 3 to 3?

Abangan ang susunod na kabanata..

***

Kumita si Mark Walters ng 20.5% sa paglipat niya ng majority shares ng LA Lakers kina Bob Iger at Josh Kushner.

Noong isang taon lang kasi ay nagbayad si Walters ng $10B sa pamilyang Buss.

Tapos nitong linggo lang ay $12.5 ang tinanggap niyang pera mula kina Iger at Kushner. Wow profit.

Pero paano kaya ang tax diyan?