Advertisers

Advertisers

MHD nagdiwang ng 84th founding anniversary

0 18

Advertisers

NAGDIWANG ng kanilang 84th founding anniversary ang Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan nitong Lunes, July 1 kung saan ay ipinagmalaki nito ang kanilang special achievement na isang ISO Certification at nag-iisang deparment sa buong lungsod na nakagawa nito.

SI Mayor Honey Lacuna habang inaalalayan ng kanyang asawa na si Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan na nagpakilala sa kanya sa flagraising ceremony nitong Lunes ng umaga. (JERRY S. TAN)

Pinuri ni Mayor Honey Lacuna ang MHD, lalo na ang six district offices at central office na pinarangalan ng ISO 9001: 2015 na nangangahulugan na ang lahat nitong documentation ay maayos, very transparent at may mataas na level ng efficiency sa termino ng pagbibigay ng serbisyo at komunikasyon.



Sa kanyang pag-anunsyo na ang MHD ay ISO-certified na, sinabi ni Pangan na malayo na ang narating ng MHD simula ng binuo ito noong July 1, 1940 sa ilalim ng Commonwealth at pinasalamatan ang mga kawani na nasa likod nito.

“Maraming salamat sa sipag, tiyaga at malasakit. Ituloy tuloy lang natin ang pagpupursigi at husay sa pagta-trabaho para lalo tayong makapagbigay ng makabuluhang sebisyo sa mga batang Manilenyo,” sabi ni Pangan.



Sinabi naman ng alkalde na isa ring doktor na ang MHD ay malapit sa kanyang puso dahil dito siya nagsimula bilang physician sa Bacood health center at sumunod ay sa Tondo health center.

Pinasalamatan din ni Lacuna ang MHD Core Group para sa ISO na binubuo nina internal auditors Dr. Gina Pardilla, Dr. Dolores Manese, Engr. Anthony Taguba, Ernesto Alcaparaz at Lourdes Tecson, pati na rin sina Ana Marie Claudio at Lcid Dwight Biugos ng quality management office.



Ayon kay Lacuna, ang ilang departamento sa city of Manila ay nagpakita na rin ng kanilang kagustuhan na maging ISO-certified, kung saan ang MHD ang mangunguna.

“Iba-ibang departamento na ang nagpapa-ISO. Ito ay inumpisahan ng JASGEN (Justice Abad Santos General Hospital) at Sta. Ana Hospital (SAH) na sinundan ng MHD bilang kauna-unahang department sa buong Maynila na maging ISO-certified,” saad ni Lacuna.

Ang JASGEN ay pinamumunuan ni Director, Dr. Merle Sacdalan-Faustino habang ang SAH ay sa ilalim naman ni Director Dr. Grace Padilla. (ANDRES GARCIA)