Advertisers

Advertisers

Lara ‘di alarmado na lalangawin sa takilya ang pelikula

0 18

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

MGA baguhang artista halos ang kasama ni Elijah Alejo sa bagong pelikulang Field Trip, kaya tinanong namin ang Kapuso young actress kung may nadarama ba siyang pressure dahil kung tutuusin ay siya ay ang magdadala ng pelikula?

“Okay, parang naano ako dun ah,” natatawang umpisang reaksyon ni Elijah. Parang ngayon po ako na-pressure sa question na yun.



“Honestly po hindi po ako nakakaramdam ng pressure kasi I know naman po na hindi rin po sila kumbaga ilalagay dito ni direk kung wala pong nakikita si direk in them na kumbaga makakapag-add to the movie.

“So I know for a fact na lahat po kami dito magtutulung-tulungan regardless of newcomer man or veteran.”



At bilang isang young actress na matagal na sa industriya ng pelikula at telebisyon, may advise ba siyang maibibigay sa mga bago pa lamang nag-aartista?

Ngumiti muna si Elijah bago sumagot, “Ahmmm ang advise ko lang is, okay yung kinakabahan ka. Kasi iyon din yung advise sa akin nina Papa Wendell e,” pagtukoy ni Elijah kay Wendell Ramos na co-star niya sa Prima Donnas TV series ng GMA.



Pagpapatuloy pa ni Elijah, “So okay lang yung kinakabahan ka kasi alam mo na kapag kinakabahan ka alam mo rin na meron kang something na maibibigay talaga dun sa movie.

“Meron kang maibubuga. Alam mong kaya mong makipagsabayan.”

Field Trip na isang surprise/adventure movie ng PinoyFlix Entertainment Production, Inc. ni Jose “JR” Olinares na siya ring direktor ng naturang pelikula.

Gaganap si Elijah sa pelikula bilang si Angela.

Nasa pelikula rin, na isinulat ni Eric Ramos at ipalalabas sa Nobyembre 2024, sina Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Simon Ibarra, Alex Medina, Dexter Doria, Jennifer Lee at Poppo Lontoc.

Nasa pelikula rin bilang si Jerry si MJ Manuel (na nominadong Best New Movie Actor sa PMPC’s 40th Star Awards for Movies para sa pelikulang Unspoken Letters) at si Gab Dekit bilang si Rhian.

Ang mga newbie stars na nasa Field trip ay sina Nicole Alayon, Mika Pardo, Jea Manalo, Natsumi Nose, Abegail Tabiolo, Kate Ronco, Angel Llames, at Ron Medina.

May pakulo ang PinoyFlix Entertainment Production, Inc. (nina direk JR at Production Manager Sam Faj. Calaca) sa mga manonood ng Field Trip dahil may pa-raflle sila sa mga movie ticket holder kung saan may mapapanalunang condo unit at marami pang malalaking papremyo.

***

ISA na ring producer si Lara Morena dahil kasosyo siya sa pelikulang Sagrada Luna.

Kaya tinanong namin si Lara kung hindi ba siya naaalarma na matapos ang Metro Manila Film Festival ay tila nalulugi na muli ang mga pelikulang lokal na ipinapalabas sa mga sinehan dahil sa kawalan ng mga nanonood?

“Ay, talaga? Hindi ako aware ha,” bungad na sinabi sa amin ni Lara.

“Pero for me siguro, yung sa amin naman hindi naman ako maaalarma kasi we have the, iyon nga, meron kaming promotion na ginawa, yung scheme talaga na ginawa like this one, watch and win.

“So hindi ako maaalarma na magiging first and last day lang yung movie namin kasi partnership kami with ano di ba, with F1KD program.”

Pero bilang artista ano ang saloobin ni Lara tungkol sa kawalan ng interes at kakayahan ng publiko na manood ng mga pelikula sa sinehan.

Lahad niya, “Bilang artista medyo nakakalungkot siyempre kasi siguro hindi pa talaga ganun ka-ano yung mga tao para panoorin yung mga pelikulang Pilipino.

“But para sa akin siguro kung, nasa pelikula rin iyon kasi, e. Like ako alam ko naman kung maganda o hindi, biased ako, e.

“Kumbaga kung ano yung, like eto, yung mga pamangkin ko, kapag pinapanood ko sila ‘Anong ginagawa mo dito?’

“Ako mismo ang nagsasabi sa kanila na hindi maganda yung akting nila. ‘Anong ginagawa mo diyan?’

“Pinapagalitan ko sila, ganun.”

Pamangkin ni Lara ang mga Vivamax female stars na sina Angela Morena, Micaella Raz at Stephanie Raz na kasali rin sa Sagrada Luna.

Samantala, bukod kay Lara ay nasa pelikula sina Rash Flores at Alexa Ocampo at sina Simon Ibarra, Leandro Baldemor, at Jeffrey Santos.

Nasa pelikula rin sina Ada Hermosa, Audrey Avilla, Chester Grecia, at Amabella De Leon, at sa direksyon ni Jose “JR” Olinares.

Mula sa Pinoyflix, magbubukas ito sa mga sinehan sa July 24.

Ang promo na binanggit ni Lara tungkol sa pelikula ay simple: bumili lamang ng ticket para sa red premiere night ng Sagrado Luna (sa July 18, 4 pm sa SM Megamall Cinema 8) at may pagkakataon nang manalo ng mga malalaking premyo.

Ang proceeds o kikitain ng pelikula ay para sa F1KD Program na naglalayong tumulong sa mga kabataan at estudyanteng nangangailangan ng pinasiyal na tulong at suporta.

Nagpirmahan ng Memorandum Of Agreement o MOA sa pagitan ng Pinoyflix Entertainment Production at TFOE-PE Inc. kung saan dumalo ang National President Eagle Kuya Ronald delos Santos, Secretary General Eagle Kuya Allan Corpuz, Board of Trustee/Peil Director Eagle JM Llames, at Board of Trustee Kuya Yuri.

Mula naman sa Pinoyflix Entertainment Production ay dumalo ang direktor ng pelikula na si Jose Olinares at Production Manager Sam Faj. Calaca.