Advertisers

Advertisers

DALAWA SA MATALIK NA KAIBIGAN NI FPRRD NA SINA GEN. BANTAG AT PASTOR QUIBOLOY, NASAAN NA KAYA?

0 14

Advertisers

Nasaan na nga kaya ang dalawa sa kinokonsiderang matalik na kaibigan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na sina former BuCor Chief Gen. Gerald Bantag at Pastor Apollo Quiboloy.

Maraming kababayan natin ang nahihiwagaan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matunton ng kinauukulan ang kinaroroonan ng dalawang ito, talaga ba daw nagtatago o’ tinatago?

Nagbunga ang pagiging magkaibigan ni Gen. Bantag at ni Digong noon umanong isang Jail Warden pa lang ang una sa Paranaque city jail.



Labis daw na hinangaan nitong si Digong itong si Bantag nang pasabugan nito ng isang granada ang sina sabing pitong durugista sa loob ng isang kuwarto sa Paranaque city jail.

Dahil sa kaganapan, nag-katugma daw ang chemistry ng dalawang ito na kung saan ang common denominator ay pareho silang mamamatay tao at kapuwa galit kuno sa mga durugista.



Matapos ang insidente, kaagad na inappoint at prinomote daw nito si Bantag bilang Bureau of Correction (BuCor) Chief sa New Bilibid Prison (NBP),mantakin mong from Warden ay 4-star general agad ito sa isang iglap, eh saan ka pa?

Si Quiboloy naman sa isang banda ay isa sa mga taong pumusta ng bilyong piso para sa kandidatura at presidential campaign ni Digong. Pinagamit din nito ang kanyang private plane kay Digong noong panahon ng kampanya.



Kay Pastor Quiboloy din daw ito nangungumpisal ng kanyang mga kasalanan. Dito rin daw ito humuhingi ng spiritual advise at basbas noong kasagsagan ng kampanya.

Sa mga ginawang pabor sa kanya ng dalawang ito, obligado at matic na ituring silang higit pa sa kaibigan dahil malaking utang na loob ito, di po ba?

Si Bantag ay mahigit dalawang taon ng nagta-tago matapos na akusahan siyang prime suspect at mastermind sa pagpaslang kay broadcaster Percy Lapid. Sina-sabing lagi daw binabatikos nito si Bantag at administrasyon ni Digong sa kanyang programa sa TV at radyo.

Lumabas sa mga inisyal na imbestigasyon na mismong mga inmate sa bilibid ang nagplano at mga kilalang hitman nito sa laya ang bumaril kay Lapid sa utos ni Bantag na inatang naman daw ni Digong.

Inutos naman daw ni Bantag sa kanyang deputy na si Zulueta ang pagplano at pagkausap sa mga inmate sa gagawing assasinasyon kay Lapid.

Kinausap naman daw ng mga inmate ang kakosa nilang hitman sa labas na kinontrata at binayaran naman ng BuCor upang isagawa na ang pag-paslang.

Sa kasamaang-palad ay pinatay din umano ang mga inmate at ang contact nilang hitman sa labas. Ito daw ay utos lang ng opisina.

Pinalabas daw na inatake sa puso ang mga ito ngunit ayon sa ilan testigo ito daw ay sapilitang tinakpan ng unan sa mukha hanggang sa mamatay.

Ultimong ang deputy chief niyang si Zulueta na sina-sabi ring inatake sa puso ay intensiyonal din daw na pinatay sa ganoon ding paraan.

Si Bantag din daw ang nagpapatay sa high profile inmate na si JB Sebastian na sinasabing tinamaan daw ng covid19 at na-cremate na sa isang punerarya sa Cavite.

Taliwas ito sa paniniwala ng pamilya dahil sadyang pinatay daw ito. Dalawang linggo na daw ang lumipas bago ito deklara sa kanila ng BuCor. Hindi daw nila tuloy malaman kung talagang abo ni JB ang prinipresinta sa kanila.

Si Sebastian ang isa sa mga testigo na nagdiin kay Senador Leila de lima na tumatanggap daw ito ng drug-money galing sa NBP para gamitin sa kanyang kandidatura.

Ito rin anila ang dahilan kung bakit tinumba si Sebastian dahil pwede daw itong bumaligtad anytime of the day, DEAD MAN TELLS NO TALE nga naman, he… he… he…

Si Quiboloy naman ay mas piniling ang magtago kaysa siputin ang Senate Inquiry na kumukumbida sa kanya dahil sa mga kasong sexual abuse at human trafficking.

minsan nagsagawa ng raid ang PNP sa sinasabing kuta nito sa Davao nguni’t na people power pa ng mga deboto ng Pastor, anyari?

Sadyang mahiwaga daw ang buhay ng tao dahil sa liit ng Pinas at sa dami ng mga tumutugis ditong awthoridad ay hindi pa rin matunton ang kanilang kinaroroonan hanggang sa kasalukuyan.

Mabuti pa daw ang isa ring kaibigan ni Digong na si Cong. Arnie Teves ng Negros na marami ring kasong kinakaharap nguni’t alam ng bayan na ito ay nasa Timor Leste.

Hindi tulad ni Bantag at Quiboloy na walang masabi ke ha o’ ho ang kinauukulan at ni hindi makapagpahayag ng latest development hinggil sa kalagayan ng dalawang ito.