Advertisers

Advertisers

LABI NG 2 PINOY CREW NG BULK CARRIER, DUMATING NA SA BANSA

0 22

Advertisers

DUMATING sa bansa nitong Martes ( July 2 ) ang mga labi ng dalawang Filipino crew member na naging biktima sa pag-atake ng Yemen’s Houthi rebels sa bulk carrier MV True Confidence sa Gulf of Aden noong March 6,2024, ayon sa ulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang mga labi ay personal na tinanggap ng kanilang mga kaanak sa isang cargo warehouse ng Ninoy Aquino International Airport sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration, Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, at kanilang manning agency.

Binigyan din sila ng kinakailangang tulong at sinamahan sa kanilang mga tahanan.



Sa isang statement,nagtulong-tulong ang DFA, DMW, kanilang manning agency at OWWA para maproseso ang pagpapauwi ng mga labi ng dalawa nating kababayan na biktima ng karahasang ito ng mga Houthi rebels.

Idinagdag sa pahayag ng Department of Migrant Workers na ang mga labi ay inihatid pabalik ng bansa ni Dubai Labor Attaché John Rio Bautista.



Kasabay nito,ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na tulong sa pamilya ng mga namatay na seafarer.

Noong Marso 6, ang bulk carrier na MV True Confidence ay tinamaan ng missile sa Gulf of Aden sa Red Sea.



Ang pag-atake ay pumatay sa dalawang pinoy mula sa 15 Pilipinong seafarer na sakay nito. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)