Advertisers
UMAKYAT pa sa mahigit P940 billion ang naitalang pagkalugi ng gobyerno ng Pilipinas dahil sa pinairal na community quarantine, bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa data ng Bureau of Treasury, ang naturang halaga ay halos tatlong ulit na mas mataas sa naitala noong nakaraang taon na mayroon lamang P348.3 billion.
Nabatid na malaking pera ang nailabas ng pamahalaan, pero bumulusok naman ang kita mula sa iba’t ibang industriya.
Saad pa ng kawanihan, marami ang pinaglaanang gastusin ng gobyerno kaya lumaki ang budget gap sa loob tatlong quarter.
Naglabas kasi ng salapi ang pamahalaan para makaagapay sa ayuda ng malaking bilang ng ating mga kababayan, lalo na noong nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang ating bansa. (Mylene Alfonso)