Advertisers
AGAD sisimulan ang bicameral conference para sa P4.5 trillion 2021 national budget sa susunod na linggo.
Ito ang inanunsyo ng liderato ng Senado, makaraang makalusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang taunang pondo.
Ayon kay Senate committee on finance chairman Sonny Angara, unanimous ang nakuhang boto o 22-0 para sa naturang panukala.
Una nang sinertipikahan ng Pangulong Duterte bilang “urgent measure” ang national budget bill, kaya naging mabilis ang pagkakapasa nito sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Senado na naaprubahan ang general appropriations bill sa pamamagitan ng hybrid hearings at sessions dahil na rin sa pag-iral ng COVID-19 pandemic.
Inaasahan na sa kalagitnaan ng Disyembre maipadala sa Malacañang ang enrolled bill para lagdaan ni Pangulong Duterte. (Mylene Alfonso)