Advertisers

Advertisers

Ginang timbog sa Estafa; anak huli sa pananakit ng NBI agent

0 59

Advertisers

Kapwa binitbit ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ( NBI) ang isang mag-ina dahil sa magkahiwalay na reklamo nitong Miyerkules sa Dasmarinas, Cavite.

Kinilala ang naaresto na sina Arlene Labajo Angeles na may kasong Estafa; at anak na babae na inireklamo naman ng pananakit sa mga operatiba ng NBI.

Sa inireport na reklamo ng complainant , hinihikayat ni Arlene ang mga potensyal na biktima upang mag-invest ng pera sa kanyang kumpanya, Camacho Trading at ginagarantiya na may balik na 10 percent sa kabuuan nilang puhunan.



Ayon sa complainant, nag-invest ito ng kabuuang P200,000.00 sa dalawang magkahiwalay na okasyon gayunman nabigo si Arlene na magbigay ng tubo.

Ayon sa investment arrangement, ilalagay ang mga pondo sa CAMACHO TRADING, na pag-aari ni Arlene, para sa pag-aangkat ng mga Korean newspaper



Kasunod nito, ang mga na-import na item ibebenta sa mga potensyal na mamimili. Sinabi ni Arlene na niloko siya nang tangka niyang ibenta ang mga imported na item.

Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) hindi nakarehistro sa kanila ang Camacho Trading.



Ang nakarehistrong kumpanya na may kaparehong pangalan na Camacho Packaging Supplies OPC kasama si Arlene Tole tink Labajo bilang nag-iisang stockholder/direktor/presidente nito, batay sa mga talaan ng SEC.

Noong Mayo 2024, humingi ang suspek ng  P100,000.00 sa complainant, para diumano sa pambayad sa NBI team na kinuha niya, na tutulong sa kanya sa pagbawi ng mga pondo na inutang sa kanya ng mga scammer. Kaya naman, ang operasyon ng entrapement ginawa ng STF.

Matapos mahawakan ang marked money ng suspek agad siyang nilapitan ng mga operatiba at inihayag ang pag-aresto laban sa kanya .Sa kabila nito, ang anak na babae na si Angel ay biglang nanakit ng operatiba ng NBI dahilan para arestuhin din ito.

Dinala ang mag-ina sa NBI-STF para sa  standard booking procedures.
Sasampahan si Arlene ng  Estafa habang ang anak ay kakasuhan ng Resistance and Disobedience to a Person in Authority sa Office of the City Prosecutor, Dasmarinas, City, Cavite. (Jocelyn Domenden)