Advertisers
INARESTO ng PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang isang lalaking pasahero sa Laoag International Airport matapos matagpuan sa kanyang bagahe ang isang caliber .45 Colt firearm, isang magazine at walong bala, nang walang kaukulang mga dokumento.
Ang Security Risk Item (SRI) ay unang na-detect sa X-ray screening process at kalaunan ay kinumpirma ng Security Screening Officer sa isinagawang inspeksyon ng bagahe ng nasabing pasahero, na ngayon ay nasa kustodiya na ng Laoag International Airport Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at appropriate legal action.
Pinuri ni PBGEN Dionisio Bartolome Jr., AVSEGROUP Director, ang mga personnel na nasa likod ng matagumpay na pagkakahuli sa pasahero.
“The firm character of our personnel on the ground, combined with the close coordination of other agencies, is key to ensuring the safety and security of our airports,” ani Bartolome. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)