Advertisers

Advertisers

Chinese casino financier huli sa kidnapping, serious detention

0 37

Advertisers

Nasagip ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang Chinese National nang dukutin at sapilitang ikulong ng kababayan dahil sa pagkakautang sa casino.

 



Kinilala ni MPD Director P/Brig.General Arnold Thomas Ibay ang biktima na si Luo Jing alyas Jun Cheng, 31, computer technician, at residente ng Tower 2 , Unit 7011,  Coast Residence, Pasay City.

Nasagip si Cheng nang humingi ng saklolo sa pulisya ang mga kaibigan nito kaugnay sa pagdukot  sa dito ng naarestong suspek na si Song Peng Ren alyas  Luo Jie, 35, isang translator/manager at casino financier.



 

Sa imbestigasyon, sapilitang isinama ng grupo ng Chinese national si  Cheng habang naglalaro ng Casino games sa Xi Lai Deng Casino sa Adriatico Square na matatagpuan sa Gen. Malvar St, panulukan  ng Adriatico St., Ermita, Manila.



 

Ayon sa mga kaibigang kapwa Tsino, pinautang umano ni Luo Jie si Cheng ng P200,000  ngunit  aabot sa halagang P500,000 ang magiging kabayaran kasama na ang interes.

 

Gayunman, sinabi ni Cheng na P200,000 lamang ang kaya niyang bayaran kaya sinabihan siya ng suspek na magtrabaho na lamang sa kanya hanggang sa mabayaran ng buo ang kabuuang halaga ng kanyang pagkakautang.

 

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa komosyon hanggang sa pilabas sila sa casino.

 

Matapos ang pangyayari, nawalan na ng komunikasyon si Cheng sa kanyang mga kaibigang Tsino kaya dumulog sila sa MPD-General Assignment Investigation Section upang magsagawa ng imbestigasyon at follow-up operation na nagresulta ng pagkakadakip kay Luo Jie.

 

Patuloy pa ang follow-up operation ng pulisya para sa iba pang sangkot kasama ang dalawang Filipino at dalawa pang Chinese national.

 

Sasampahan ng kasong serious illegal detention at Kidnapping ang suspek na walang inirekomendang piyansa.

 

Mahaharap din si Luo Jie sa kasong Theft  na may inirekomendang P10,000 piyansa.(Jocelyn Domenden)