Advertisers
NARIRITO ngayon sa bansa ang mga representatives ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (UN-OHCHR) at ang pangunahin nilang adhikain dito ay tingnan ang mga paglabag sa mga karagatang pangtao.
Naririto raw sila upang palakasin ang pakikipag-uganayan sa bansa tungo sa mabilis at matibay na international action laban sa mga lumalabag sa mga karapatang pangtao, gaya ng mga nagawa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Tinuloy ng mga kinatawan ng UN-OHCHR ang nababalitaang nilang pagpaslang ng CPP-NPA sa mga tinatawag nitong “spy-tagging” o’ yaong napapaghinalaan nilang pakikipag-uganayan sa ating kasundaluhan, ay pinapatawan na agad ng kamatayan.
Sa kanilang pakikipagpulong sa bagong pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) mas lalong nagulat itong mga taga-UN, dahil iniulat sa kanila ni Executive Director Undersecretary Danilo G. Pamonag ang mga dokumentadong paglabag sa karapatang pangtao ng CPP-NPA.
Nalaman ng UN delegation na mayroong ng 71 kaso naitala ang CPP-NPA mula January 2025 hanggang sa kasalukuyan. Kabilang dito ang mga Marsha’s na insidente sa Mindoro at Negros Island, nang dahil “spy-tagging” o’ pagbansag sa mga sibilyan sa mga kanayunan bilang ‘informer’ ng pamahalaan.
Sa ulat na iyan nakasaad na may mga magsasaka, community members, at iba pang mga sibilyan ang naakusahan ng CPP-NPA na mga “spy” ng pamahalaan kaya ang mga ito ay pinagpapatay.
Nangako naman si UN-OHCHR representative Signe Poulsen na ang mga ulat na ito ang siyang magiging basehan upang paganahin nila ang tamang international human rights mechanisms.
Ito ay matagal nang nangyayari at tama lamang na iparating natin sa international community ang mga paglabag sa karapatang pangtao ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Wala naman talagang nagagawang maganda mga yan.