Advertisers

Advertisers

Mangingisdang Pinoy, missing matapos mabangga ng barko ng Intsik sa WPS – Sen.Tolentino

0 14

Advertisers

BINUNYAG ni Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na nawawala ang isang mangingisdang Pinoy matapos na mabangga ng barko ng Intsik sa West Philippine Sea noonh July 7.

Ito ang sinabi ni Tolentino matapos kumpirmahin ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa pamamagitan ng text message at sinabing hinahanap na nila ang nawawalang mangingisda na kinilalang si Jose Mondenedo. Nakaligtas naman sa banggaan ang kapatid nito na si Robert.

Idinagdag pa ni Tolentino na ang PCG ay nagsasagawa na ng imbestigasyon upang makapgsampa ng kaukulang kaso laban sa Chinese commercial vessel na “Yang Fu.”



Kumikilos na rin ang PCG at nakikipag-ugnayan sa International Maritime Organization (IMO) upang malaman kung ano ang pagkakarehistro ng Chinese vessel, na sa kasalukuyan ay nakikilala lamang dahil sa Chinese characters sa kanilang barko.

Nabatid na agad na tumakas ang Chinese vessel mula sa pinangyarihan ng insidente nang hindi man lamang tinulungan ang mga napinsalang Pinoy.

Samantala, kinumpirma rin ni Councilor Leysander “LY” Aquino ng San Marcelino, Zambales kay Tolentino ang nawawalang mangingisda sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telepono. (ANDI GARCIA)